NAYA'S POV Napatayo ako nang dahan-dahan, pilit na itinatago ang kaba sa dibdib ko. Pakiramdam ko, bawat hakbang papalapit kay Sir Olas ay isa ring hakbang palayo sa buhay na gusto ko. Tiningnan ako ni Alice, halatang may gusto pang sabihin, pero pinili niyang manahimik. Alam niyang kahit anong sabihin niya, wala na rin akong magagawa. Huminga ako nang malalim bago sumunod sa katulong palabas ng silid. Habang naglalakad ako sa mahabang hallway, pilit kong pinapalakas ang loob ko. Kailangan kong maging matatag. Pagdating ko sa study room ni Sir Olas, bahagyang nakabukas na ang pinto. Kumatok ako nang marahan bago pumasok. Nakita ko siyang nakatayo malapit sa bintana, may hawak na baso ng wine, nakatingin sa labas na para bang may malalim na iniisip. Nang marinig niya ang pagsara ng p

