NAYA'S POV Napansin ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Sir Olas bago niya pinadaan ang mga daliri sa sintido niya, parang nakaramdam ng matinding sakit ng ulo. Ilang sandali siyang nanatiling tahimik, tila iniisip ang susunod niyang sasabihin. "Sir, okay lang po kayo?" mahina kong tanong, hindi ko maiwasang mag-alala sa itsura niya. Bumuntong-hininga siya bago muling tumingin sa akin, mas kalmado na ang ekspresyon niya pero bakas pa rin ang pagod at lungkot sa mga mata niya. "Naya..." Marahan ang tono niya, parang sinisiguradong maririnig ko ng maayos ang sasabihin niya. "Pakakasalan kita." Napasinghap ako. "A-anong sabi niyo?" Halos hindi ko na marinig ang sarili kong boses. Diretso pa rin ang tingin niya sa akin, walang pag-aalinlangan. "Pakakasalan kita. Ayokong lumaki ang anak

