NAYA'S POV Napalunok ako at marahang naupo muli sa upuan. Pakiramdam ko ay parang bumibigat ang hangin sa loob ng opisina. Ramdam ko pa rin ang panghihina ng katawan ko, pero mas mabigat ang bigat ng iniisip ko—ang posibilidad na malaman ni Sir Olas ang katotohanan. Samantala, bumalik siya sa mesa niya at kinuha ang kanyang cellphone. Sandali siyang tumingin sa screen, saka marahang bumuntong-hininga. "Ilang beses ko nang tinatawagan si Nikolai, pero hindi siya sumasagot," sabi niya, halatang may inis sa boses niya. "Ano na namang ginagawa ng batang 'yon?" Napakunot ang noo niya habang pinagmamasdan ang cellphone, para bang hindi siya makapaniwala na hindi siya sinasagot ng anak niya. Ako naman ay hindi mapakali sa aking kinauupuan. Muling bumuntong-hininga si Sir Olas, bago tuluyang

