NIKOLAI'S POV Galit na lumabas ng kwarto si Douglas, kasunod si Alice. Halos ibalibag ni Douglas ang pinto sa sobrang diin ng pagkakasara. Nanatili akong nakaupo, nakayuko, at tutop ang mukha sa dalawang palad ko. Sa kabilang banda, si Tita Precille ay nagbihis na. Tahimik lang ako, pilit nilalabanan ang matinding inis at pagkasuklam sa sarili. Siya ang unang bumasag ng katahimikan. “Kaya pala wala ka nang interes sa akin. Si Naya naman pala ang gusto mong laruin.” May pait at paninibugho sa kanyang tinig. “Di ko akalain na nabuntis mo siya.” Hindi ko siya sinagot. Mas lumapit siya sa akin. “Ngayon alam na nila lahat. Wala na tayong maitatago. Ibig sabihin, malaya na tayong ipagpatuloy ang relasyon natin.” Napanganga ako sa sinabi niya, parang hindi ko narinig nang tama. “Tita, are

