NAYA'S POV Mahigpit kong hawak ang pregnancy test habang papalapit sa kwarto ni Nikolai. Mabilis ang t***k ng puso ko—hindi ko alam kung dahil sa kaba o sa excitement. Dalawang linya. Buntis ako. Alam kong hindi gusto ni Nikolai ito. Palihim niya akong pinainom ng early morning pill, pero hindi ko nainom. At nagkataon din na mali ang ibinigay sa kaniya na ikinagalit ko. Pero mahal ko siya. Mahal niya rin ako… hindi ba? Kaya umaasa akong magbabago ang isip niya. Huminga ako nang malalim at binuksan ang pinto, handang sabihin ang pinakamahalagang balita. "Nikolai,.........?!" Pero ang nadatnan ko ay isang bangungot. Nanlaki ang mga mata ko. Natigilan ako. Hindi agad nagrehistro sa utak ko ang eksena sa harapan ko. Si Nikolai… sa pagitan ng kanyang mga hita, nakaluhod si Tita Preci

