EPILOGUE

736 Words

Minsan, ang mansyon ng Romanov ay isang malamig at tahimik na palasyo na tila walang buhay kundi ang pag-uugong ng kapangyarihan at tradisyon. Ngunit ngayon—makalipas ang mga taon—ito’y naging tahanan ng halakhak, ingay ng pagtatalo, tunog ng gitara, at hakbang ng mga sapatos na may kanya-kanyang direksyon. Sa gitna ng malawak na sala, nakasabit ang isang dambuhalang family portrait—nakatayo si Niko sa gitna, seryoso ang tingin, hawak ang balikat ni Nayasha na nakangiti. Sa tabi niya si Nikol, naka-white coat, may ngiting may malasakit. Si Nikola ay bahagyang nakalayo, naka-jacket at sunglasses, laging may kaunting misteryo. Si Nikita ay naka-leather jacket, may hawak na gitara, habang si Nivie ay nasa likod, naka-hoodie, tahimik pero kita ang talino sa mga mata. At si Nayasha—ang bunso—

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD