NIKOLAI'S POV Paglabas ko ng banyo, nakita ko si Tita Precille na nakadapa pa rin sa kama, walang kahit anong saplot sa katawan. Hindi ko na siya pinag-aksayahan ng tingin. Dinampot ko ang mga damit kong nagkalat sa sahig at nagsimulang magbihis. Narinig ko ang paggalaw niya sa kama. Ilang sandali pa, bumangon siya, hinayaang dumulas ang kumot mula sa katawan niya. Alam kong nakatitig siya sa akin habang inaayos ko ang pantalon ko. May bahagyang kunot sa noo niya nang magsalita. "Aalis ka na, Nikolai?" Hindi ko siya nilingon. Hindi rin ako sumagot. Tinapos ko lang ang pagbibihis ko, mabilis, walang lingon-lingon—gusto ko nang umalis. Habang inaabot ko ang susi ng sasakyan ko, lumapit si Tita Precille sa akin, hubad pa rin, pero may suot nang manipis na robe. Yumakap siya mula sa likod

