Chapter 23

1738 Words

NAYA'S POV Habang naghihintay kaming matapos ang break, may naisip akong itanong kay Sir Olas. "Hindi na po kayo naghanap ng girlfriend?" tanong ko. Bahagya siyang natawa bago sumagot. "Well, may mga naka-date ako, pero hanggang doon lang. Naging abala na rin ako sa trabaho at negosyo." Mayamaya, parang may naalala siya. "Sabi ni Nikolai, may girlfriend na siya. Ang bilis niyang nagkaroon agad." Muntik na akong mabilaukan sa iniinom kong juice, pero pinigilan ko lang. "Mabuti pa itong anak ko," dagdag pa niya. "Bakit naman po? Pwede pa naman po kayo maghanap. Bata pa po kayo, at kung tutuusin, parang hindi nga po kayo mag-ama ni Sir Nikolai. Parang mas bagay kayong magkapatid," sabi ko nang pabiro. Napangiti siya sa sinabi ko. "Gusto ko ‘yang sinabi mo," sagot niya bago kumindat.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD