CHAPTER 22

1951 Words

NIKOLAI’S POV Tahimik kong tinitigan ang pinto nang lumabas si Naya kasama si Papa. Mula pa kanina, ramdam ko na ang paghina ng kontrol ko sa sitwasyon—at ngayon, mas lalo lang akong na-frustrate. Napahawak ako sa sentido at mariing pumikit. Hindi ko dapat hinayaang mawala ang focus ko, pero hindi ko rin maiwasang isipin ang isang bagay… Nainom kaya ni Naya ang gamot? Pero hindi ko nakita mismo. Hindi ko siya nakitang lagukin ang juice. At kung hindi niya iyon nainom… Napamura ako sa isip. T*ng*n*! Kailangan kong malaman. Agad akong bumalik sa opisina ko, mabilis ang mga hakbang. Pagkapasok ko, bumungad sa akin si Ruth, na abala sa laptop niya. Napatingin siya sa akin. "Nikolai tapos na ba ang meeting?" Hindi ko pinansin si Ruth. Hinagod ko ng tingin ang opisina. Saan ang baso?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD