NIKOLAI'S POV Napahinto ako. Nagtama ang mga mata namin. Napakurap ako at mabilis na ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. Tumalikod ako at lumabas ako ng meeting room. Sa halip, bumalik ako sa opisina ko at sinara ang pinto, tinitiyak na walang makakarinig sa pinag-uusapan namin sa telepono ng doktor. "Hindi ito puwedeng mangyari," madiin kong sabi, pilit pinipigil ang galit ko. "Paano nangyaring maling gamot ang naibigay n’yo sa akin?!" Mula sa kabilang linya, maririnig ang alingawngaw ng pagkataranta ng doktor. "Mr. Nikolai, patawarin n’yo ako. Nagkaroon ng pagkakamali. Ang naibigay ko sa inyo ay hindi early morning pill kundi..." natigilan siya. "---Pampalaglag." Napaupo ako sa swivel chair at hinagod ang sentido ko. "Anong dapat kong gawin ngayon?" malamig kong tanong. "

