Chapter 27

1942 Words

NAYA'S POV Nagtagpo ang mga mata namin ni Nikolai. Nanlaki ang mata niya nang makita akong nakatayo sa labas ng opisina niya, halatang nagulat. Sa isang iglap, nakita ko ang bahagyang paglihis ng ekspresyon niya—mula sa pagiging kalmado, biglang naging alerto. “Naya…” Mahinang tawag niya sa pangalan ko, pero hindi ko nagawang sumagot. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman—galit, lungkot, o panghihinayang. Pero ang sigurado ako, may kirot sa dibdib ko na hindi ko maintindihan. “Naya—” Umiling ako. Hindi ko alam kung bakit sobrang sakit marinig ‘yon mula sa kanya. Hindi ko naman dapat ito maramdaman, diba? Hindi naman kami… wala naman dapat, diba? Pero bakit ganito? Bakit parang ako lang ang nasasaktan? Bago pa niya masabi ang susunod niyang sasabihin, humakbang ako palayo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD