NAYA'S POV Hindi ko alam kung ilang beses na akong tinanong ni Lukas kung okay lang ba ako. Bawat ngiti niya ay tila may kasamang pangungulit, pero wala akong maibigay kundi isang hilaw na ngiti at isang tahimik na tango. Habang nagsasalita siya, nakatingin lang ako sa kanyang bibig—gumagalaw, nagsasalita ng kung anong hindi ko na naiintindihan. Parang background noise lang ang boses niya, gaya ng mga tunog ng kutsara’t tinidor sa paligid namin. Malamig ang aircon sa restaurant, pero mas malamig ang pakiramdam ko sa loob. Ang isip ko, wala sa lamesang ito. Nasa ibang lugar. Nasa isang tao. Kay Nikolai. “...Naya?” bulong ni Lukas, halatang napansin ang kawalan ko sa sarili. Napatingin ako sa kanya, pilit na ngumiti. “Sorry, ano 'yon?” “Okay ka lang ba talaga?” may pag-aalalang tanong

