On-The-Love Training midnyt_princess CHAPTER 50 MAKI POV May kahaban ang byahe pero hindi naman kami na traffic kaya nakarating kami agad sa destinasyon. Kumakabog ang dibdib ko habang tinitignan ko ang malaking gate na nasa harap ko ngayon. Second time ko pa lang mapunta dito. Ang una ay nung minsang isinama ko ni papa dahil nagkataong nasa abroad si Nicole at ang ina nito. Pero matagal na panahon na rin yon kaya madami na din ang nabago sa kapaligiran ng mansion. Masasabi kong mas nag improve pa. Pinindot ko ang button ng doorbell nila doon. Naghintay ako kung may magre-response. "Ma'am Katrina?", narinig kong sabi ng parang may edad na babae sa speaker ng gadget. Isa siguro sa mga kasam-bahay nila Papa. Nakita siguro niya ang

