On-The-Love Training midnyt_princess CHAPTER 51 MAKI POV Hindi ako mapakali sa upuan ko. Hinihintay ko kasi ang pagbabalik ni Senator Abby. Kasalukuyan akong nasa study room ng mansion nila. Kanina pa sana kami mag kausap. Pero hindi natuloy. Galit na galit kasi kanina si Nicole. Halos magwala sya nung nalaman niya na nakapasok ako sa bahay nya. Kinailangan pa tuloy syang kalmahin ng Mama nya para tumigil na din sya sa pagtutungayaw nya. Dalawampung minuto na nga ang nakakalipas matapos ang eksena na yon. Iginala ko ulit yung paningin ko sa paligid ng maluwang na silid. Simula sa mamahaling mga muwebles at mga libro na nandito. May isang bagay lang talaga na pumukaw ng interest ko. Yung malaking painting ng family picture nila.

