Chapter 18

2603 Words
How do you like the story and the characters? Suggestions and comments are highly appreciated.   Thank you po! Mabuhay po tayong lahat ;)   *******   On-The-Love Training midnyt_princess CHAPTER 18                                   JIN- POV   "Hey! what are you doing?", takang tanong ko. Hindi na kasi ako nakatiis eh, kanina ko pa kasi tinitignan si Maki. Nakaka distract kasi sya, para lang naman syang tanga na pinipigilan nya ang pag hinga nya. Nakasakay kami sa Van na kasalukuyang dumadaan sa kahabaan ng isang tulay sa byahe.   Papunta kami ngayon sa isang hotel. Pre-production meeting regarding sa next music video na gagawin. Isasama kasi ito sa next launching ng album kaya minamadali na ang pag po-produce.   [pre-production refers to the tasks that must be completed or executed before filming or shooting begins. This includes tasks such as hiring actors or models, building sets, budgeting, planning, scheduling, renting equipment and tests.]   "Ano sabing ginagawa mo eh, nababaliw ka na ba?!", tanong ko ulit.   She just ignored me.   Hindi sya sumagot.   Ikinumpas kumpas lang niya ang kamay nya. Parang sinasabi niyang hayaan ko lang sya at wag akong maki alam. Pinag patuloy pa din niya ang pagpigil sa pag hinga nya. Naiiling ako habang tinitignan ko sya. Namumula na kasi ang mukha nya.   Probably...   Because of lack of air sa katawan nya.   What's up with her today?, tanong ko sa sarili ko.   Naka high na naman kaya sya? At ano na naman kaya ngayon ang tinira niya?   Katol?   Sa ilang araw na kasama kong babae na to..   Well...   Masasabi ko na...   Nagkagulo gulo talaga ang tahimik na buhay ko.   I mean...   Yeah...   She's different!   Differently crazy!   Kung anu ano kasing kawirduhan ang ginagawa nya. Tapos madalas pa nya akong mapagalit.   Seriously!   Kahit magaling naman sana sya sa trabaho.   Ay hindi pa rin ako makuntento.   Pano...   Madalas pa din syang makipagtalo at sinasagad nya talaga ang pasensya ko. I don't know!   Naisip ko...   Nasanay lang siguro ako kay ate Rita na laging walang kibo at walang comment.   Samantalang si turtle...   Is the exact opposite, pala kibo at sobrang daming comments. Napalingon ako ulit sa kanya. Ganon pa din sya. She's still holding her breath at halos mangitim na ang mukha nya.   Later on...   I saw her as she gasped for lots of air.   Halos mapugto ang hininga niya. Pero she looks very contented. Yung parang may na accomplish sya na isang napaka halagang bagay. "O bakit?", masungit na tanong niya.   Nahuli nya kasi ko na nakatingin sa kanya. "Masama bang tumingin sayo? Kung ikaw nga laging nakatingin sa akin eh.", reklamo ko. "Excuse me?, hindi na kita laging tinitignan kasi sawa na ko..", pagtataray pa nya.   Parang gusto kong matawa sa itsura nya. She really look so funny lalo pag iniikot ikot nya ang mga mata nya. "So kamusta naman daw ang hindi mo pag hinga? may napala ka ba?,", tanong ko.   Very curious akong malaman kung para saan yung effort nya.   Though...   Hind ako umaasa ng maayos na sagot buhat sa kanya. "Dumaan kasi tayo ng tulay kaya hindi ako huminga..",   "Ano naman kinalaman ng tulay sa hindi mo pag hinga?!", takang tanong ko ulit.   Siguradong jina-jamming lang nya ko.   "Hindi mo ba alam? Na madalas na may wishmaker sa mga tulay na katulad ng dinaanan natin kanina? All you have to do is hold your breath pag start palang ng tulay hanggang sa makatagpos, then you can wish na..", pagpapaliwanag niya.   "Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa ako sayo dahil sa tanda mo na yan naniniwala ka pa sa mga ganong bagay..", amuse na sabi ko.   Kasi habang nagpapaliwanag sya kanina ay may pa action action pa sya.   "Edi wag kang maniwala, pinipilit ba kita, for your information lang yon noh!".   Sa isip ko...   May ganon palang kwento?   Hindi ko alam.   Sa dami kong tulay na nadadaanan madami na sana akong na wish.   Sayang naman.   Manghihinayang na talaga ko.   Kaso...   Naisip ko.   Insane nga pala yung kausap ko.   Kung anu ano nga palang made up story lang ang sinasabi nya.   Kaya sorry nalang sya.   Pero hindi ako maniniwala sa kwento nya.   "Risking your life for nothing is completely ridiculous, you know why? Pano kung napakahaba ng tulay like kanina? Edi namatay ka na bago ka nakahiling, you got my point?"   Paliwanag ko na bahagya na kong humarap sa kanya.   Magkatapat kasi kami ng upuan at medyo malapit lang sya sa akin.   Sigurado na hindi naman sya magpapatalo.   "Got your point ka dyan, syempre dapat naman may konting challenge. Pag mas mahaba yung tulay, edi mas challenging!, para hindi ka lang naman hihinga sandali, tsaka exercise na din yon para sa lungs natin ng masukat ang capacity nya. Ikaw naman pala, ang gusto mo ay hihiling ka na lang basta basta at wala man lang challenge na gagawin..."   "Ang weird mo talaga. I hope na matupad ang wish mo, dahil halos mangitim na buong katawan mo at pumutok na yung noo mo kanina sa hindi mo pag hinga..", tease ko sa kanya.   "Ang sama mo talaga, at dinamay mo na naman yung noo ko! Kung weird ako? Ano ka pa? Bukod sa napaka bully mo?", lumabi pa sya.   Halatang napipikon na.   "Manong Carding! Eto nga po oh! Ihulog na lang natin sa tabi! Ang sama ng ugali eh!",   Sumbong nya sa driver namin.   Narinig ko na natawa si Mang Carding.   "Driver ko si mang Carding, Kung may ihuhulog kami dito, ikaw yon!," natatawang sagot ko.   Napapailing ako.   Tuwing ba-byahe ako malapit man o malayo.   I used to sleep basta may pagkakataon.   Pero ngayon hindi ko na halos magawa yon.   Cause everytime na kasama ko si Maki ay nalilibang nya ko.   Nung una...   Inis na inis ako sa kanya.   Alam ko kasi na nakakaperwisyo lang sya.   But now.   I think...   Nasanay na din ako.   Tingin ko nga ay nag eenjoy pa ko.   Like now...   Dahil pikon sya at madali lang mainis. Lagi ko nalang syang ina asar para naman hindi boring.   Nilingon ko ulit si Maki. Tinignan ko kung ano yung ginagawa nya. Nakatingin lang sya sa labas ng bintana. Napansin ko naman ang nakaunat nyang mga binti na kakawag kawag na parang palaka. Nakasuot sya ng rubber shoes at jeans ngayon.   Siguro ay na bwisit na sya sa kapupuna ko. Pano naman kakaiba ang trip nya pagdating sa fashion. Lagi lang naman syang naka high heels kahit parit parito sya sa kakalakad pag inuutusan ng kung sino sino.   Mahilig pa magsuot ng maikli.   Alright maganda naman ang legs nya.   Pero sa tingin ko ay hindi bagay ang ganung get up lalo ay madalas syang yumuko yuko sa harap ng maraming tao.   Hindi talaga ako makaisip ng tamang approach sa kanya kung pano yon sasabihin kaya dinaan ko na lang sa pag susungit kunyari. Ayaw ko isipin nya na concern ako. Baka bigyan pa nya ng ibang kahulugan. Iba kasi mag isip ang mga babae. Mamaya nyan isipin pa nya na may gusto ako sa kanya. Which is napaka layong mangyari.   Later on...   Sa pag iisip ko ay nainip na din ako.   Sumandal na ako at pumukit.   Siguradong magagalit na naman sa akin si ate Cha dahil inayos na nya kanina ang buhok ko sa office.   Bahala na!   I-re-touch na lang nya tutal ay nauna na sila sa hotel kasama si Bobby.   "Cellphone mo, may tumatawag..," maya maya ay narinig kong sabi ni Maki. Naririnig ko nga ang ringtone ng cellphone ko. Hindi ako kumibo at nagkunwari na lang na tulog. Kung sino man yon ay ayaw ko muna ng kausap.   "Hoy, cellphone mo..", ulit na sabi niya.   This time ay may kasama pang kalabit.   Lalo akong hindi kumibo.   Minsan ko na kasi syang sinita na lahat ng tao ay iginagalang nya.   Bakit ako ay hindi?   Sa akin pa naman sya nagseserbisyo!  Naalala ko yung usapan namin. Kumakain kami non sa isang japanese restaurant. Katatapos lang ng isang event kasama namin non sila Bobby na timing na nagpunta ng CR. Kaya naiwan lang kaming dalawa. Pinuna ko kasi ang pagiging extra magalang nya sa lahat.   Hindi ba kako sya napapagod magpanggap?   Na open na nga yung topic na yon.   "Eh di ba ayaw mo namang magpatawag ng sir dahil sabi mo three years lang ang age gap natin. So ano naman gusto mong itawag ko sayo? Amo o Panginoon?!", pilosopong sagot nito sa tanong ko.   Buti ay wala akong sapi ng masamang ispiritu.   Kung hindi...   Sa tuwa ko sa kanya ay baka itinusok ko sa mga mata niya ang hawak kong chopstick.   "Ay nako, ang hirap talagang gisingin ng taong gising!", reklamo pa nya.   Narinig ko na nag ring ulit ang cellphone ko tapos ay tumigil na.   Maya maya ay text message alert naman ang dumating.   "Ayaw mo talaga i-check tong cellphone mo? Baka parents mo to or emergency. May mga nagtetext pa oh...", pangungulit pa din nya.   "Teka nga, siguro mga girlfriend mo to na pinagtataguan mo noh? Sige ako na magbabasa para sayo...", pagpaparinig pa niya.   Dumilat na ko.   Naririndi na rin ako sa boses ng babaeng to.   "Akin na nga yan, makikialam ka pa eh.", kinuha kong cellphone ko.   "Sabi ko lang yon! Ano naman ang paki alam ko sa mga jowa mo, hello!", sabi niya.   Sa side ng vision ko ay nakita ko na umamba pa sya.   Tinignan ko sya ng masama bilang warning. Tumahimik naman na sya at tapos ay nag peace sign pa.   Napa iling ako...   Parang kahapon lang ay halos umiyak sya sa sama ng loob kasi narinig nya na pinag uusapan sya ng mga kasama niya. She really looked worried and down. Naawa pa nga ako ng konti sa kanya. Pero ngayon ay okay na agad sya. At fully recovered pa. Iba talaga ang level nya.   Kakaiba.   And then...   I scan my cellphone.   May ilang text messages at missed calls nga.   Tamad akong magsasagot, so mostly ay ini-ignore ko lang ang mga yon. Out of the blue ay napatingin na naman ako kay Maki. Hawak din nya ang cellphone nya at may ka-text na sya.   Siguro boyfriend nya.   Nangingiti pa kasi sya.   Sa isip ko.   Kung sino man ang boyfriend niya ay kawawa naman.   Cause I'm sure...   Having her around...   Is not easy.   Tiyak na laging masakit ang ulo niya.   Kawawa naman sya.   Maya maya ay naisipan ko na bwisitin si Maki. Inagaw ko yung cellphone nya.   "Hoy akin na yan!", nagulat na sabi nya.   Dumukwang sya.   Pilit niyang binabawi ang cellphone nya.   Natatawang ini-iwas ko yung gadget sa kanya.   Then...   Sinimulan ko agad basahin ang conversation sa inbox nya.   "Akin na sabi yan eh!"   "Sandali lang! Damot mo!", natatawang sabi ko.   Basta para kaming mga bata na nag aagawan ng candy.   Mas malakas ako sa kanya.   Kaya nagawa kong gusto ko habang pinipigilan ko sya gamit lang ang isang kamay ko.   Bambi_sexy: Babes true ba? P.a ka sa CBE kaninong artista? Bka kay Jin Chua yan ha! kala ko sa office ka?   Maki: Chismis lang yon! asa ka nman?   Bambi_sexy: Che! Sama mo! O basta Maki kuhanan mo ko ng pic ni Angel ha. Khit stolen lng plz...   Maki: D aq sure kng mkikita ko sya, sa kbilang network yun bruha!   Bambi_sexy: Ang hina mo nmn sa showbiz, bopols mo, d m ba alam? today sya lilipat ng s station nyo.   Maki: D ko alam! Bwal picture picture! Mpapagalitan aq!   Bambi_sexy: Ppagalitan ka? Y? Den wg ka ppahuli. Pls! O cge na! Pptawarin n kta s mga ksalanan mo pag ngwa mo un.   Maki: As if! And wla aq ksalanan sau noh! Bruha na to, mag uutos k lng kung anu anu pa cnsbi mo.   Bambi_sexy: Mas bruha ka, chat ko jowa mo! Friend n kmi s fb   Maki: Shet ka frend! Hndi ko jowa yon pro wg mong i-chat!   Bambi_sexy: Shet agad? Banta palang eh, so penge na ng pic ha. Bhala ka, ikaw din.   Tapos naisipan ko din magreply sa ka text nya ng "P.A. ako ni Jin Chua".   "Akin na yan! Jin naman!" dumukwang sya.   Sapilitan nyang kinuha yung cellphone nya.   Bago pa ko tuluyang mag enjoy sa kababasa ng barbarian texting nila ay nabawi na nya yon.   They're also talking about Angel Agustin.   I supposed.   Sikat itong actress na naka base sa kabilang network.   Pero lilipat ito sa CBE officially today.   Ang nasa news na dahilan ng paglipat nito ay ang mas magandang offer ng management ng CBE sa kanya.   But what I heard from Bobby ay may attitude problem daw ito.   Kaya biglaan ang paglipat dahil may naka away itong officer ng network nila.   Anyway...   Wala naman akong paki alam whatever's the reason.   Ang pagiging unaware naman ni turtle regarding dito ay hindi na nakakapagtaka.   Dahil tulad nga ng sabi nya ay madalang syang manood ng tv.   Pero aware naman siguro ito na si Angel Agustin nga ang makakasama sa music video na gagawin.   "Kaibigan mo yon?", tanong ko.   Kasi ang weird pala ng texting style nila.   Sa isip ko.   Siguradong magre-reply pa yung friend nya sa tinext ko.   "Oo, bakit?"   "Ah, kaya pala. Magkaugali kayo eh.."   "You're the worst! sama mo naman, nagbasa ka pa ng message ng may message!", nakangusong sagot niya sa akin.   "Hinawakan ko lang naman cellphone mo, cellphone ko nga laging na sayo eh."   "Kahit nasa akin lagi ang cellphone mo, hindi ko naman yon pinapaki alaman. Unlike ng ginawa mo ngayon."   Maya maya nga lang ay tumunog na ulit yung cellphone nya.   May nag reply na.   Kitang kita ko sa mukha ni turtle ang pagkabigla nya. Galit na napatingin sya sa akin. Tapos agad agad na nagtype ng message. Pero hindi na niya yon naituloy dahil may tumatawag na.   "Go ahead! Answer the phone.", sabi ko sa kanya ng hindi sya kumilos.   "Bakit mo ginawa yon? Baka himatayin yung kaibigan ko, may sakit pa naman sa puso yon!"   "Bakit kasi di ka nagsasabi ng totoo? ayaw mo malaman nila na p.a. ka?"   "Ofcourse not! Alam mo kasi, kahit ganyan ka, idol na idol ka nitong friend ko! Sasabihin ko naman sa kanya kaso nga hindi pa ngayon. Mangungulit lang kasi yon eh, tulad nga nito oh, tawag ng tawag!"   "Hello Bambi...", sagot ni Maki sa phone.   Tapos para syang animated na nakipag usap dun sa friend nya.   Maya maya ay napansin ko na nilalayo pa niya sa tenga ang gadget.   Dahil sa lakas ng boses ng kausap nya kahit hindi naka loudspeaker.   Kinuha kong cellphone at wala na syang nagawa.   "Maki naman! I'm asking you now! Joke ba yung text mo? bakit apura lang alibi mo?", sabi ng matinis na boses sa kabilang linya.   "No, that's not a joke. It's me Jin..", sagot ko dito.   "Jin? as in Jin Chua? for real? oh my God!", confirm nito sa di makapaniwalang boses   "Yeah, Maki is working with me right now, but sabi nya kukuha sya ng picture ni Angel, so how's that?"   "Hello? still there?", tanong ko ng wala na akong marinig na sagot sa kausap ko.   Pero the line is still up.   "Akin na nga yan!", kinuha ni turtle ang cellphone nya.   At nag end call na lang sya.   "Thank you ha! Siguradong inatake na sa puso yon sa ginawa mo! Binigyan mo pa ko ng problema!", dagdag pa niya maya maya at umirap pa.   "Oa mo! Ikaw na pinaka oa na turtle na nakita ko.", natatawang sabi ko.   Nakita kong parang hinang hina syang umayos ng upo.   "May oras ka din sa akin! Paki alamero nato! ",banta pa niya sa akin na nakabusangot na sya.   Napangiti ako sa itsura nya.   Kung iisipin ay parang ang cute nyang tignan sa mukhang inis na inis sya.   Ewan kung bakit?   Pero naaaliw ako pag kasama ko sya.   Siguro masarap lang talaga syang asarin.   Kaya nga eto...   Nag e-enjoy talaga ako.   Itutuloy..        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD