Chapter 17

1685 Words
On-The-Love Training midnyt_princess CHAPTER 17                                 MAKI- Point of View   Natatawa man ako pero sinarili ko na lang. Tapos nag talk talk pa sila ng konti. Kami naman ni ms. Cha naki join kay Jason, yung photographer. Pinapakita nito ang mga shots ni Jin kanina. Ang gaganda nga pala ng kuha sa kanya. Halos lahat ay pwede niyang gawing profile picture o timeline cover sa f*******: nya.   Nakakainggit yung mga taong photogenic. Kahit saang anggulo o stolen man ay maganda pa rin ang itsura. Malas naman at di pa ako nakabilang don.   Dahil sa 100 kong kuha.   Tapon lahat.   Wala akong mapili.   Profile picture ko tuloy nag a-anniversary na hindi pa napapalitan. "Ang ganda ng mga kuha mo Jason, minsan ako naman ang kuhanan mo ha, joke lang.", pabebeng sabi ni ms.Cha.   Bumabanat na naman sya.   Ngiti lang ang isinagot ng photographer.   "Edited na siguro yung mga photo na yan ni Jin noh kuya?", maya maya ay tanong ko.   "Hindi pa, raw materials lang lahat to, ang editing mamaya pa.", sagot niya.   "Ah.."   "Why? may problema ka na naman sa mga pictures ko?", singit ni Jin na nakalapit na pala.   "Abay wala.. Ang perfect kaya! You're so fierce and engaged..", gaya ko pa dun sa sinabi ng photo producer.   "Yeah right!"   "Hoy anu ba!?", bago pa kasi ako tuluyang makalayo ay naabot na niya ang ulo ko at ginulo gulo ang maganda kong bangs!   Nasa ganun kaming moment ng may mabunggo ako at natapakan sa kaka iwas ko kay Jin.   "Aray!", impit na daing nito na yumuko pa para tignan ang paa.   "Sorry po! kasi naman si..", hindi ko na naituloy yung sasabihin ko.   Of all people na madidisgrasya ko ay si Erika pa.   "Sorry talaga Erika, nasaktan ka ba? okay ka lang ba?", automatic na yumukod din ako para naman makita ko yung nasaktan ko sa kanya.   Pero ayun nga.   Inis na nakatingin sa akin si Erika at hindi man lang sya sumagot sa mga tanong ko.   "Ano ba ang nangyari?", usisa ni ms. Cha at ni Jin.   "Wala ,okay lang ako.", biglang sabi ni Erika at umalis na lang agad sya.   Tumutulong lang sana ito kay ms.Cha na iligpit ang mga dalang gamit pang make up tapos nasaktan ko pa.   Ako naman nung time na yon ay napatahimik lang.   Sa isip ko...   Mas na badtrip pa sa akin ngayon so Erika.   "Okay na yon! so ngayong breaktime naman, pwede mo na kong gawing beauty queen Maki?!", pinasaya ni Ms. Cha ang boses nya.   Pambasag ng tension.   "Syempre naman te.", sagot ko nalang pero I'm still upset.   "Exit muna ko, ate Cha sure na mukha ka ng beauty queen ng mga turtle mamaya..", bully ni Jin at sa wakas ay lumayas na sya ng kwarto.   Ang nangyari nga ay inayusan ko si ms. Cha ng hair and make up.   Medyo nakaka kaba dahil syempre veteran na ito sa pag aayos.   Gusto ko lang naman na maayusan ko sya like ng sabi ko kanina.   I just braided her hair and put a light make up on her.   In the end nagustuhan naman nya.   And I was so happy and relieved.   Past 5pm na.   So I decided to pack up my things at makauwi na.   Actually...   Nakalabas na ako ng parking pero bumalik pa ako ulit dahil nakalimutan ko ang cellphone ko na naka charge sa rest room ni Jin.   Kaya syempre binalikan ko pa.   Papalabas na ako ng room non at nakuha ko na yung sadya ko nung marinig ko na may mga nag uusap sa hallway na dadaanan ko sana.   Malapit lang kaya naririnig ko sila.   "Ayoko ate, kung kasama rin lang naman yung girl na yon."   Narinig kong sabi ng isang boses ng babae na alam ko na boses ni Erika.   "Bakit naman? She's good. Try mo lang maka bond sya minsan. Look nga oh, napaganda pa nya ko ng bongga..", boses ni ate Cha.   Syempre...   automatic...   Nakahiyaan ko nang lumabas pa.   Tapos mukhang ako pa yata yung pinag uusapan nila.   Hindi ko man gustong makinig ay wala naman akong choice di ba?   "Basta, ayaw ko sa Maki na yan.", sabi pa ni Erika.   "Nasan na ba si girl? umalis na?", salo naman ni ms. Pinky.   "Nakita ko syang umalis na kanina. Mabait naman yung bata at sumusunod naman pag inuutusan, so why ayaw nyo sa kanya?", takang tanong ni Ms. Cha.   "Ako naman, hindi ko naman sya hate, I just don't like her.", maarteng sagot ni ms. Pinky   "Bruha, edi pareho lang yon.", natatawang sabi ni ms. Cha.   "Siguro yung pagkainis mo Erika kay Maki ay may kinalaman sa pag- aapply na P.A. dapat ng kapatid mo dahil ala nga si ate Rita noh? But since na mag te-training nga si Maki, wala ng hiring na nangyari?", dagdag hula pa ni Ms. Cha.   "Oo ganun nga. May work na sana yung ate ko. Tsaka bawal na ang training dito di ba? Wala eh, ginamitan ng power, mayaman kasi tapos family friend pa pala nila si Ms. V tapos feeling close pa sa lahat pati kay Jin..", di napigilang reklamo ni Erika.   "Ah kasi naman matagal na din silang magkakakilala, eh Pano mo nalaman yung ibang bagay bagay na yan?", ani ms. Cha.   "Edi sabi ni ms. Pinky!"   "Nakwento ko lang naman, dapat din malaman ni Erika yon ng di sya tanong ng tanong. Tapos nabibingi na ko sa kakareklamo nyan na, mahirap nga walang permanent na P.A. si Jin dahil si Maki ay 8am to 5pm lang every weekdays only so pag may ibang activity si Jin, humahanap lang ng kung sino sa atin ang available, kaya medyo mahirap talaga.", maarteng paliwanag ni ms. Pinky.   "O edi, sabihin natin kay sir Bobby na mag hire na ulit ng P.A.", cool na suggestion ni ms. Cha.   "Nasabi na yan te, kaso nga gusto nila pag alis nalang ng Maki na yan.", si Erika yon.   "Nasabi na pala eh. Wala na tayong magagawa. Try nyo na lang umintindi ha. O balik na sa work." huling malinaw na salitang narinig ko kay Ms. Cha.   Malabo na yung ibang words dahil papalayo na din sila.   Ang odd ng nararamdaman ko.   Matagal na silang wala ay para pa din akong tanga na nakahawak sa door knob na tinangka kong buksan kanina nung papalabas na sana ako.   Para na akong naging estatwa.   It's not like ngayon lang ako nakaramdam ng rejection.   Actually madaming beses na din!   Pero mas ibang level pala yung maririnig mo straight sa bibig ng mga taong may galit sayo yung hatred nila. Nakakawala ng lakas.   Naisip ko...   Ganun kaya lahat ng naiisip ng mga tao sa akin sa buong building na to?   Sosyalera s***h bratinelang girl na gumamit ng connection para lang makapag training?   But I'm doing my best!   Sometimes a bit too hard pa nga eh!   Buti pala ay hindi ako naging artista kasi mahina pala ako sa mga isyu.   Yung ganito nga lang na usapin ay sobrang na hurt na ko.   Kanina pa nga foggy yung mata ko eh, at yung kabog ng dibdib ko ang bilis bilis na parang sa ulo ko na pumipintig.   "Anong gagawin ko? Pano ko ngayon haharap sa kanila? Dapat ay hindi ko nalang narinig..", sabi ko pa sa sarili ko.   Nakakainis na wala akong sapat na lakas n loob na ipaliwanag ang side ko!   At the same time...   I want to cry!   Kasi ang sakit!   Napapikit ako.   At nanghihinang napasandal na lang ako sa pader na katabi ng pintuan.   Gosh!   Ang init ng mata ko!   Iiyakan ko ba talaga to?   Napakagat labi ako at pilit na kinalma ko ang sarili ko.   "If you want to cry, go ahead! You'll feel better for sure, but it won't change anything. Mamamaga lang ang mga mata mo.", anang boses na nagpadilat sa akin.   Si Jin?   Kanina pa din pala sya dito?   Napatingin ako sa gawi nya at nakita ko syang nakadikwatro na nakaupo sa isang side.   Nagtataka nga ako kasi bakit hindi ko sya napansin?   Hindi ko naman maisip kung pano ko sya tatanungin.   "Nasa fitting room ako kanina, paglabas ko nakita na kita sa pintuan, I wonder, kung bakit you've been stock there for too long then I found out na nakikinig ka pala sa usapan ng may usapan.", sagot niya sa nagtatanong na tingin ko.   "They're saying bad things againts you, and they don't even like you. So what?, it's nonesense, ikamamatay mo ba kung hindi mo ma-explain ang sarili mo sa kanila?", seryosong sabi nya habang papalapit sya sa akin at nakapamulsa.   Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko.   For a moment para akong nakakita ng kakampi sa katauhan ni Jin.   Of all people...   Sya yata ang last person na maiisip ko na makita sa ganitong pagkakataon.   Nag ulap na naman ang mata ko.   And my body started to shake on its own.   Tumulo ang luha ko na pinunasan ko agad.   "You know what turtle? You dont have to please everyone, as long as you're doing your things right,.hayaan mo lang sila,opinyon nila yun eh.."   Lalo akong naging emotional.   "Wait! Where's my violent turtle go? Hindi ako sanay ng tahimik ka. Iiyakan mo ba talaga yung ganon?", natatawang sabi niya.   Pinahiram pa nya sa akin ang panyo nya.   And he even pat my head like a big brother.   Medyo matagal tagal akong napayuko.   Yung paksyet na emotion ko naman kasi na to eh.   Ang babaw pa ng luha ko.   Pinilit kong huminga ng malalim at kinusot kong mata ko.   "Sino ba kasi ang umiiyak? Para napuwing lang ako eh!", biro ko ng maka-recover na ko.   "Yeah right! Ang oa mo! Mag artista ka na! And labahan mo yang panyo ko ha. Kadiri ka, may sipon pa yata yan!", natatawang sabi nya sabay gulo niya sa bangs ko.   "Ano ba?! Sabi ng wag yung bangs ko eh! Umalis ka na nga dito!", kunyari ay pagtataboy ko.   Pero gusto ko naman talagang mag thank you.   "Turtle na iyakin!", bully pa niya bago tatawa tawang lumabas.   I don't know kung matatawag na pag comfort yung sinabi nya.   Cause he still called me turtle.   But one thing is for sure...   He lifted my spirit up at yon ang importante.   -Itutuloy
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD