Chapter 15

2129 Words
On-The-Love Training midnyt_princess CHAPTER 15   MAKI- Point of View   Nasa parking lot ako ng Neptune Mall na 30mins drive away from CBE Center. May branch kami ng Pretty Me botique ni mama dito. Nandun sya ngayon kaya pupuntahan ko sya. Naglalambing na sabay daw kami mag dinner. Kaya kahit pagod na ko sa SJT at kunsumido kay Jin ay pinag bigyan ko na din sya.   "Ma,lapit na ako."   Text ko sa kanya.   Himalang nagreply naman agad sya.   "Okay sweetie, b sure n ur not luking hagard ha. May ipapakilala ako sau mamaya."   "Da hu?!"   Tapos hindi na sya nagreply.   Kaloka!   Bakit kailangan na hindi ako hagard?  Para sa akin kaya ang taong ipapakilala niya?   Wew!   Di ako makapaniwala na iba-blind date ako ng sarili kong ina.   Pero ganun pa man.   Sinilip ko na din yung pagmumukha ko sa tinted mirror ng nadaanan kong nakahintong sasakyan.   Ang ganda ko...   Ang ganda ng pagkapanget ko.   Ilang araw palang na nakakasama ko si Jin ay stress na stress na ako.   Jusmeo!   Parang dumadami na nga ang mga wrinkles ko sa mukha at linya ko sa noo. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Kaya mas nilapit ko pa yung mukha ko sa tinted mirror. Biniling biling at sinipat sipat ng mabuti. May patubo pa akong tigyawat sa bandang ilong at pisngi.   Kaya pala medyo masakit.   Nasa ganun akong moment nung dahan dahang bumaba yung car window.   "Maki?", sabi ng lalaking naka eyeglasses.   Na shock ako.   Hindi agad ako nakapagreact Ang awkward naman kasi at nakakahiya! Buti hindi ako nangulangot!   Kadiri naman yon!   "Vincent!, wow! Nagkita ulit tayo!", masayang bati ko.   Medyo nakabawi na ako at nawala na ng konti ang pagkapahiya ko.   Bumaba sya ng sasakyan.   "Paalis ka na?", agad na tanong ko.   "No, actually kanina pa sana ko sa loob ng mall. Kaya lang may tumawag sa phone kaya na delay ako."   "Ah, buti pala may tumawag sayo, kasi kung hindi, baka hindi tayo nagkita.",   "Talaga? bakit naman?", nakangiting tanong niya.   "Kasi di ba? may utang pa ko sayo. kaso hindi mo naman ako na-contact. Sabagay, sabi ko naman pag may free time ka lang. Siguro nawala mo yung note ko noh?"   "Ofcourse not. nasa akin pa yon.", depensa niya.   "Ang showbiz mo namang sumagot..ah pero thank you ha, kasi naalala mo pa yung pangalan ko.."   "Bakit naman hindi?, maganda nga yung pangalan mo.", bola pa niya.   "True ba yan? Eh kasi, may kakilala ko na sabi, hindi daw remarkable kaya hindi nya matanda tandaan! Kaya kung ano ano lang tinatawag sa akin.."   Natawa lang sya.   Ang cute nya.   Tapos naglakad na kami ng sabay papasok sa mall.   "Talaga ba? Wala kang ka appointment? Eh bakit ka nandito, maglilibot ka lang?", takang tanong ko.   "Yeah, parang ganun na nga. May kakausapin akong tao pero hindi pa sya available.."   "Ah.., parang ang dami mong free time."   "Anyway, ikaw? May ka date ka ba?"   "Meron, yung mama ko. Magdi-dinner kami mamaya eh. Kung gusto mo sumama ka na lang sa amin, tutal wala ka namang kasama di ba?"   "Hindi ba nakakahiya sa mama mo?"   "Hindi noh!, bagets yon kaya okay lang.., ah teka teka, pasok tayo dito."   Nasa tapat na pala kami ng botique.   Pumasok agad ako.   Pero si Vincent naiwan lang sa labas.   Naisip ko...   Nahiya siguro syang pumasok dahil kikay na kikay ang ambiance.   Pano naman.   Things for girls lang naman ang mabibili dito sa shop. "Halika, pumasok tayo. Nandito yung mama ko. Lika na.", yaya ko sa kanya.   Feeling close na hinatak ko pa sya sa braso nya. May ilang mga kadalagahan pa ang namimili na napatingin sa kanya.   Pogi noh?   Yung poging hindi nakakasawa. Simple lang kasi si Vincent pero may dating. Natanawan ko agad si Mama. May kausap syang may katandaang babae. Hindi ko muna sya inistorbo pero eventually ay napansin din nya ako. "Nandito na pala yung baby ko..", narinig kong inform niya sa kausap. Tapos ay kinawayan nya akong lumapit.   "Nak, si tita Beth mo.. may business syang dinidiscuss..", pakilala niya sa kausap nya.   "Hello po.", bati ko naman sa ginang.   "Napakaganda pala ng anak mo Diane, parang ikaw. Manang mana sayo..", bola nung babae.   Gustong tumirik ng mata ko dahil sa narinig ko. Halata naman na nambobola lang ito. Una sabi nya napakaganda ko daw!   Aru!   Kung sinabi nya na may itsura pwede pwede pa.   Pangalawa...   Kmukha ko daw mama ko?   Edi kaganda ko sana?   Hindi nga daw kami magkamukha kaya minsan nabibiro ako ng iba na ampon lang.   "Thank you po.", sabi ko na lang.   Tapos nagpaalam na din yung babae.   "Ma, sya ba yung ipapakilala mo sa akin? San mo sya nakilala, parang hindi ko sya feel. Tapos bakit kailangan kamo na dapat hindi ako hagard?"   "Ofcourse not, hindi sya yon. And si ate Beth, matagal na namin syang nakasama at naka transact. Ang dami mo na agad sinabi ha? Nagugutom ka na ba, halika muna sa staff room..", yaya pa nya.   "Ah ma! May kasama nga pala ko."   Tapos hinatak ko na naman si Vincent sa braso papalapit kay mama.   "Ma, si Vincent po.. Friend ko.."   "Good afternoon po ma'am." yumukod pa sya at nakipag shakehands.   "Hello Vincent, ikaw ba yung Vincent na naikwento nitong anak ko na tumulong sa kanya na makalusot sa guard ng CBE?", excited na tanong ni Mama.   "That was pure luck ma'am..", ngingiti ngiting sagot naman nya.   "Just call me tita Diane, yung mga kaibigan ng baby ko, kaibigan ko na rin. Thank you sa pagtulong mo sa kanya ha. Totoo nga pala yung kwento ng anak ko, ang gwapo gwapo mo..", pagbubuko pa sa akin ni Mama.   "Ma!", saway ko sa kanya.   Baka kasi kung ano pa ang sabihin nya.   "Bakit ka mahihiya? You just state a fact!", dagdag pa niya.   Natatawa din si Vincent at parang nahihiya din.   Napapatingin pa nga sya sa akin.   "Ma naman eh. Hindi pa ba tayo magdi-dinner?", pagliligaw ko sa usapan.   "Mag dinner na kayong dalawa,gustuhin ko man na sumama at makausap pa si Vincent, ay hindi pwede. May hihintayin pa kong tao, baka matagalan pa daw sya.",   "Pero Ma..", nagdududa akong tumingin sa kanya.   Halatang itinataboy nya lang kami para makapag solo.   Playing cupid!   At sa anak pa nya.   "Sure po kayo tita? We can wait you, maaga pa naman..", alok ni Vincent   "Sige na, go na kayo, nice meeting you Vincent..ikaw na bahala dito sa unica hija ko ha.", pa-cute na pagtataboy pa ni Mama.   "Same here po tita, thank you.", magalang na sabi naman ni Vincent.   Dumadami na din ang mga shoppers.   Bago pa kami maka agaw ng eksena ay lumabas na kami.   "Wait lang, Maki!"   Pahabol na tawag ng mama ko at kumaway pa sya.   Pinapalapit ako.   "Bakit nga pala ganyan ang outfit mo? Dapat nagpaganda ka naman dahil may kasama kang gwapo. Gusto mo bang mapagkamalan kang alalay?!", nag aalalang puna niya sa porma ko.   Naka simpleng blouse lang kasi ako, jeans at converse shoes.   Ngayon lang kasi nya ako hindi nakasamang pumasok sa umaga kaya may dala akong sasakyan.   Usually kasi ay hinahatid at sinusundo nya ko sa CBE.   Kaya namomonitor niya ang suot ko.   "P.A. ang training ko ma, dapat yung mabilis lang ako kumilos ang suot ko lagi."   Ang lagi namang sagot niya ay...   P.A. na nga daw ako ,magdadamit pa akong parang isang P.A.   Wag daw ganon.   Fashionista kasi sya.   Kaya gusto nya ay ganon din ako sa kanya.   So kesa mag away pa kami, sumusunod nalang ako.   Kaya nga lang...   May pangyayari kasi na pinuna ni Jin ang suot ko.   Kaya parang ayaw ko na mag suot ng mapopormang damit pag nasa center ako.   Nung time na yon.   Nakasuot ako ng o.a. na casual dress at may katernong cute na shoes.   "Bakit ganyan ang suot mo?, sino ba ang magpipictorial? Ako o ikaw?"   "Hindi ka kaya gumulong gulong dyan sa suot mo pag napatid ka na naman?!   "Pano ba ang fashion statement ng mga turtle? Ganyan?"   Ilan lang yan sa naaalala kong maanghang na dialog ni Jin sa akin dati.   Naisip ko nga minsan...   Pinupuna nya lang ako para inisin ako.   Tapos naisip ko pa na...   Baka isa syang darna kaya insecure lang sya sa akin.   Basta!   Nasisira ang maganda kong mood pag naaalala ko sya.   "Gusto mo magpalit nak?", untag ng mama ko sa akin.   "No, ma! okay na talaga to. Tsaka kakain lang naman kami, hindi naman yun date.."   "O sige na, go na! Kwentuhan mo ko mamaya..be a good girl ha..", paalala niya at kumindat pa.   "Pasensya na Vincent ha, kagulo kasi ni mama eh..", sabi ko sa kanya ng makalapit ako.   "Okay nga sya eh. She looks so young..", puri niya.   "Ah oo, kasi maaga nya kong naging anak, parang ako pa nga ang nanay sa aming dalawa eh, baby face kasi sya.."   "Ikaw din naman baby face..", nakangiting sabi pa nya.   Naglalakad lakad na kami non at nag hahanap ng makakainan.   "Ow! , siguro player ka ng basketball noh? Ang ball-ero mo kasi eh..", banat ko at natawa naman sya.   "Sige, tawa ka pa dyan. San mo ba gusto kumain? Treat kita, kasi may utang naman ako sayo eh..", tanong ko sa kanya.   "Ikaw, kung san mo gusto. Ikaw naman ang may treat di ba?"   "Okay! sabi ko nga! Tara, ako bahala sayo!", pagmamagaling ko.   Pero ang totoo...   Wala naman akong maisip na pwede naming kainan.   Kaya dinala ko na lang sya sa favorite naming magkakaibigan.   Sa mga sizzling plates.   Tapos ako na din yung pinaorder nya.   Ordinary pero kakaibang resto ito.   May privacy kasi ang mga customer.   Tapos hindi naman masyadong mahal ang bayad.   Sulit dahil masarap at malinis naman.   Mabilis din ang service nila kahit madami din ang kumakain.   Kaya after ilang minutes ay dumating na ang orders namin.   "Ayan na pala eh, umuusok pa yan ha..", biro ko nung nilapag na yung mga sizzling plates.   "Thank you, ate Grace.", sabi ko sa nagserve.   "Okay na po ma'am/sir..", nakangiting sabi ng waitress.   Napatingin pa ito kay Vincent after kumindat sa akin.   "Madalas ka dito?", tanong ni Vincent maya maya.   "Ah hindi dito, sa kabilang branch nila na malapit sa school namin sa St. Brigette,dun madalas kami ng mga friends ko. Yung nagserve dito kanina, dun sya dati nagwowork kaya magkakilala na kami.. kain na tayo.."   Ayun nga...   Kain lang kami.   Kwentuhan ng kung anu ano.   Getting to know each other.   Tapos nalaman kong he's 25 years old. Madami na din syang narating na bansa.   Sa nature daw kasi ng business ng family nila.   May kinalaman din daw sa entertainment industry yon.   Katunayan nga ay one week lang syang mag stay dito sa Pinas.   Then pupunta naman sya ng Thailand pero babalik din agad.   Ang tanging kasama na lang nya sa buhay ay ang mother nya.   Masarap kausap si Vincent. Lagi lang din syang nakangiti. May sense of humor sya. Hindi katulad ng isang kakilala ko.   Laging galit.   Nang iinis o kaya ay sarcastic. Madami din syang tinanong sa akin, pero mga hindi masyadong personal.   Like sa schooling ko.   About sa mga friends ko.   Hanggang mapunta nga kami sa usapang SJT. Naikwento ko nga na Personal Alalay ako ni Jin Chua. Na wala na kong choice kung hindi pagbutihan kasi nga sablay ako sa una kong training. Blah blah blah blah.   Hindi na namin namalayan na ang tagal na pala naming magka usap.   In the end.   Sya na rin ang nagpumilit mag bayad ng bill.   Next time nalang daw ako. Pagka sya naman ang namili ng kakainan namin. "Pasensya ka na ha, ang daldal ko tapos ang lakas kong kumain..", sabi ko sa kanya nung pabalik na kami sa boutique.   Ihahatid lang nya ko at aalis na din sya.   May ka appointment na yata sya.   "Okay lang, so may utang ka pa sa akin, next time na lang.", nakangiting sabi niya.   Bahagya pa nyang itinaas ang salamin sa mata.   Gusto sana nyang magpaalam ng personal kay mama   Pero wala ito sa boutique at umalis daw sandali.   "Regards na lang sa mama mo, paki sabi nalang na thank you.",bilin ni Vincent.   "Anong thank you? Si mama nga ang dapat mag thank you, kasi nakatipid sya sa dinner ko..",biro ko.   "Yung pinagkatiwala ka pa lang nya sa akin kanina, I think that's more than enough to thank her.", seryosong sabi niya.   Tapos nagka eye to eye kami.   Medyo na awkward ako kaya umiba nalang ako ng tingin.   "Ayii.. Ang drama mo ha, sabay na kaya tayong mag audition sa pag aartista?, sige na alis ka na..", natatawang taboy ko sa kanya.   Napangiti naman sya.   Tapos bago sya umalis...   Nangako sya na magki- keep in touch sya sa akin.   "Nak, bakit ngiting ngiti ka dyan? wala na yung kaibigan mo oh., ang anak ko, dalaga na talaga..", tukso sa akin ni Mama.   "Ma naman eh..", ungol ko.   Tapos ay sumunod na ko sa kanya papasok sa botique.   Itutuloy..  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD