Chapter 14

1745 Words
On-The-Love Training midnyt_princess CHAPTER 14   MAKI - Point Of View   Sige lang ako sa ginagawa kong pagsuntok sa bag nya hanggang sa mabawasan ang pagkainis ko sa kanya.   Sige bira!   Para lang akong tanga! Nang makuntento at medyo napagod na ko, syempre ay tumigil na ko. Huminga na lang ako ng malalim at kinalma ko ang sarili ko. Binawi kong composure ko at inayos ko na ulit yung mga gamit nya na ginulo ko. Naupo nalang ako sa bench at nag try mag relax. Chance ko na rin kasi na maghilot hilot ng binti.   Hinubad ko na rin muna ang shoes ko.   Kung bakit ba naman kasi na tiis ganda.   Di baling masakit...   Makaporma lang kasi eh.   Akala ko naman kasi ay sa may office lang kami at hindi aalis. Nun pala mapapasubo ako na magbuhat ng mabigat!   Anyway...   Hindi naman ako nainip sa paghihintay kay Mr. Su.Una dahil naglaro ako ng coc or clash of clan. Pangalawa dahil kausap ko sa cp si Bambi. Yes po at bati na kami. Tapos alam na din nila na sa CBE ako nagte-training. Basta hindi pa nila alam na magkapatid na involve si Jin. Syempre inggit na inggit sa akin si Bambi. Baka daw isang araw ay bigla kong makasalubong si Jin ang kanyang Prince Charming. Request daw nya na sabihin ko na super fan sya. Tapos ay picture-an ko pa daw.   As if naman na kilala sya ni Mr. Su.   Eh di ba?   Pangalan ko nga lang ay hindi matandaan.   "Oh tapos? Ang pogi ba nya? Macho ba sya?!",sabi ng matinis na boses ni Bambi sa kabilang linya.   Makulit kasi sya sa kakatanong regarding sa mga artista na nakita ko na.   Syempre kinuwento ko yung encounter namin ni Manuel Acosta.   Luminga linga muna ako bago sumagot.   Kasi baka nakabalik na pala si Mr. Su ay hindi ko pa namamalayan.   Hindi kasi maapuhap ng mata ko kung saang pool sya naglalangoy.   "Syempre macho friend! eh hello naka brief lang sya eh, kita na nga yung hair nya sa pusod!", exaggerated kong kwento.   Syempre...   Hindi napalagpas ng mata ko yung mga ganong moment!   Ako pa!   "True ba? O my gawd Maki babes! sana nag exchange na lang tayo ng katauhan!", at nagtitili pa ang bruha.   "Pwede naman, kaso papayat ka muna..", tatawa tawa kong biro.   "Che! Foul yun ah! kakapatawad ko lang sayo eh. O kwento ka pa? Nagpapicture ka ba kay Manuel?"   "Bruha! Syempre.. hindi! ayaw ko nga! Tsaka di ba? Sabi ko nga sayo, bawal yung ganun sa work ko.."   "Ay sayang naman, may souvenir ka sana ng tutoot nya! Kahit sa picture lang!"   Nagkatawanan kami.   Ay ang p*****t! Haha.   Gusto ko sana ikwento sa kanya na baka makita ko din ng naka maliit na saplot yung prince charming nya maya maya lang.   Kaso baka himatayin si Bambi sa kanyang imagination.   O basta...   Nagkwentuhan pa kami.   Enjoy na enjoy ako kaya tawa ko ng tawa.   Nasa ganon akong eksena nung matanawan ko si Jin na papalapit sa akin.   Shocks!   Napatulala ako.   Kaka ahon lang kasi nya sa tubig.   Basang basa pa ang buong katawan nya.   Yeah...   Speaking...   Ang ganda pala talaga ng body nya!   Hindi ko nga mai-alis ang tingin ko sa kanya.   Parang ang yummy kasi nya.   Ang sexy nya sa suot nyang bikini trunks.   Tapos...   Parang sa isang commercial...   Seductively...   Ay medyo ipinig pilig pa nya ang ulo nya at sinuklay nya ang mga daliri nya sa buhok nya. Parang nag slow motion yung scene na yon sa paningin ko. Inaakit ba nya ko?   Grabe!   Ang hot nyang tignan.   No wonder...   Lagi syang nakukuhang model. Bagay kasi sa kanya ang mga damit nya.   Tapos...   Bagay din pala sa kanya pag wala syang damit. Napa nga nga talaga ko. Halos mabitawan ko pa nga ang cellphone na hawak hawak ko.   Juice ko!   Ang p*****t ko!   "Busy ka?!", narinig kong sabi ni Jin.   "Ha?", gulat na sabi ko.   Lalo akong napa nga nga.   Mukha lang naman akong tanga.   Pagkarinig ko ng boses nya ay parang natauhan ako.   Nakalapit na pala talaga sya sa akin.   (Back To Reality)   Ang totoo kasing nangyari...   Habang tawa ako ng tawa.   Nakita ko si Jin na papalapit na.   Ewan ko ba naman.   Imbis na hintayin ko ang paglapit nya.   Pinagpantasyahan ko pa ang katawan nya.   Kaya kung anu ano tuloy ang mga na-imagine ko na suot at ginagawa nya.   "Hello.. Maki babes, andyan ka pa.. hello?", narinig kong sabi ni Bambi sa kabilang linya.   Paulit ulit yon.   Dahil hindi ko na nga nagawa pa ang sumagot.   "Bambi, mamaya na lang ha..", bulong ko sa mouthpiece at nag end call na ko.   "Kanina ka pa dyan?!", alanganin kong tanong kay Jin.   Napatingala pa nga ako sa kanya.   Naka upo kasi ako.   Tapos sya...   Nakatayo sya sa harapan ko.   Hindi ko napigilan ang sarili ko na pagmasdan sya.   Hinagod ko pa yung buong frame nya.   Mula ulo...   Hanggang paa nya.   "So... how do you find me?", tanong nya sa akin.   Nahihiyang nagbawi ako ng tingin ko.   "You look very disappointed... Bakit? Inaasahan mo ba na naka swimming trunks din ako tulad ni Manuel?", dagdag pa nya.   Nanunudyo ang boses nya.   Naisip ko...   Baka narinig niya ang usapan namin kanina ni Bambi.   Yung tungkol sa mga brief brief.   Kaya parang may idea sya sa topic.   Hindi agad ako nakakibo.   Oo na!   Nakakadismaya!   Kasi ang suot ni Jin ay iba sa ini-imagine ko kanina.   Imbis na naka sexy bikini trunks sya .   Short sleeve diving swim suit ang suot nya.   Napaka old style!   Ang cheap!   "Of course not! Napaka judgemental mo naman pala. Tsaka... tingin mo ba gusto kitang makitang ganon lang ang suot mo? Hindi noh! Grabe pala!", depensa ko.   Nakita ko na napangiti sya.   Yung parang hindi sya naniniwala sa akin.   "Tsaka hello! member ako ng swimming club namin nung high school, kaya sanay na ko makakita ng mga naka trunks lang na lalaki, yung iba nga halos wala ng takip eh..", pagmamagaling ko.   Syempre...   Super defensive na ko.   Pero alibi ko lang lahat ng sinabi ko.   Ang totoo...   Hindi talaga ako member ng swimming club. Ni hindi nga ako marunong maglangoy eh. Ang alam ko lang na langoy ay yung langoy na gagawin ang lahat mabuhay lang!   Tsaka...   Hindi ako sanay makakita ng mga halos hubad na lalaki.   Bata pa ko para don.   Napatingin ulit ako kay Jin.   Nahuli ko yung expression sa mukha nya na aliw na aliw.   Ewan ko ba.   Kakaiba kasi yung ngiti nya sa labi nya.   Parang namimilyo sya.   "Talaga lang ha?!, so sanay ka na pala sa mga guys na halos wala ng takip ang katawan..?", tapos tatango tango sya.   Parang kinukumbinsi nya ang sarili nya.   "Oo nga sabi eh..", sagot ko nalang.   Tatayo na nga sana ako.   Kaso...   Wala nga pala akong suot na shoes. Hinubad ko kasi kanina. San naman kaya napunta yon? Busy ako sa pag trace ng shoes ko sa ilalim ng bench.   Nang biglang..   Ang sumunod na eksena ay rated PG. Kailangan ng patnubay ng mga magulang! Bigla nalang nag hubad ng pang itaas na damit si Jin sa harap ko.   As in sa harapan ko.   Kitang kita ko tuloy yung katawan nya.   Wow!   Ang ganda pala talaga ng katawan nya.   Mas maganda pa sa na imagine ko kanina.   "Hoy teka! ano ba yang ginagawa mo?!", naiiskandalong bawal ko sa kanya.   Tapos sya parang nag eenjoy naman sya.   Nagtakip agad ako ng mata.   Nakita ko kasi na pa lean forward na sya sa akin.   Ewan ko!   Hahalikan ba nya ko o yayakapin?   Ang bastos nya ha!   Subukan lang nya!   Susuntukin ko talaga sya!   Hinintay ko ang paglapit nya sa akin.   Bagay na hindi nangyari.   "Ikaw ang ano yang ginagawa mo?, sinadya mo ba talagang upuan yung towel ko? Tabi ka nga dyan!..", sabi nya.   Tapos hinatak hatak nya yung dulo ng towel nya na naupuan ko nga pala.   O edi sige.   Ako na ang madumi ang isip.   Asar!   May kukunin lang pala sya.   Kung anu ano pang ibinintang ko sa kanya.   "Ano ba sa tingin mo yung gagawin ko sayo? yayakapin kita o hahalikan? Ang swerte mo naman..", panunudyo pa niya.   Ramdam ko na nag init yung magkabilang pisngi ko.   Damay na din yung tenga ko.   Okay fine.   Na trick nya na naman ako.   "Ang yabang talaga!", bulong ko.   "Alam mo ngayon lang ako nakakita ng turtle na naka bangs."   "Joke ba yan? sabihin mo lang para matawa naman ako. Ang corny eh."   "Bakit ka nagpa bangs? Dahil sa sinabi ko sayo dati na malaki yung noo mo?"   Tinignan ko talaga sya ng masama.   Kala ko ba wala syang natatandaan dati?   Hindi naman pala sya nakalimot.   "Bakit? masama ba pag naka bangs? Pusa nga namin may bangs ako pa kaya ang hindi?"   "Corny!", ganti niya.   Nakita ko na napangiti talaga sya. Tapos pumunta sya sa kabilang bench at don sya naupo. Itinuloy nya yung ginagawa nyang pagda dry ng buhok nya. Tapos hindi na sya kumibo. Ako naman ay nag concentrate nalang ako sa pag hanap ng shoes ko.   Nakita ko naman.   Nasa gawing ilalim na pala.   Nasisipa ko siguro kanina kakatawa ko sa mga sinasabi ni Bambi. After ng ilang minutes, dito na din namin pinag usapan yung mga schedule nya. Nagte-take ako ng note pag may mga comment sya regarding sa mga appointments nya. Yung mga changes kasi ay ime-mail ko kay sir Bobby.   Out of town kasi sya.   Kasama ang ibang talent nila.   After namin sa clubhouse.   Dumaan pa kami sa wardrobe stylist ni Jin.   Nag fit sya ng mga damit na gagamitin sa pictorial next week.   First time ko na meet si Ms. Madelin Constantino. Nakabasa na ako ng article about sa kanya dati. Sa isang showbiz magazine yata nung nasa parlor ako. Famous ai Ms. Madelin kasi super creative nya at magaling talaga sya as a stylist. Tapos madami din syang handle na mga sikat din na celebrities.   Sayang lang...   Hindi ko na naikot pa yung mga naka display na creation nya. Nauna na kasi akong lumabas kay Mr.Su ng shop. Pano busy na sya sa pakikipag flirt sa starlet na naabutan namin don. Kesa naman panoorin ko pa yung pakikipag harutan nya...   Edi lumayas nalang ako don.   Anyway...   Wapakels naman ako kahit maglampungan pa silang dalawa don.   Past 5pm na din kami nakabalik ng CBE center.   Pagdating namin don ay dumiretso na agad si Jin sa music room.   Ako naman...   After kong magawa ang ilan pa sa mga duties ko ay umuwi na rin ako.   At yan nga ang mga nangyari sa first day ko.   Itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD