On-The-Love Training
midnyt_princess
CHAPTER 13
MAKI - Point Of View
"Excuse me, aalis ba tayo ng center?!", lakas loob na tanong ko.
Huminto si Jin at humarap sya sa akin ng nakakunot ang noo nya.
Wew!
Wet hair pa ang lolo nyo dahil sa pawis nya. Pero infairness ha. Pawisan na nga.
Ang good looking pa rin nya. Nakakaingit ah.
"Anong sabi mo?!", tanong ulit nya.
"Tanong ko lang kung aalis tayo?!"
"What do you think?", balik na tanong nya sa akin.
"Hindi ko nga alam. Kaya nga na tatanong ako."
"Sa malamang ay aalis tayo. You see... papunta na nga tayo ng parking di ba?", sarcastic na sagot pa nya.
Sa reaction ng mukha nya ay parang wala na syang pasensya.
"Okay...Sabi ko nga aalis tayo eh.", sang ayon ko na lang.
"Ngayong alam mo na, ready ka ba? Where are your things? Wala ka man lang bang dala?!", naiinis na follow up question pa nya.
"Nasa taas pa. Di ba titignan mo pa lang kasi yung schedule mo ngayon? Saka hindi ko naman alam na.."
"Hindi mo alam na? ano? Ikaw ang P.A. dito. Dapat mas alam mo. Kaya bago mo ko i-orient sa schedule ko, be sure na mas oriented ka, okay?"
"Like now... hindi mo pa pala alam na every after my dance practice ay pumupunta ko sa clubhouse para mag swimming. Then right after... tsaka palang ang pagre re-sched.", dagdag pa niya.
He even lowered his head in his frustration.
Napakamot pa sya sa noo nya.
Kulang na lang ay sabihin nya na wala akong kwentang kasama.
"Okay, pwede naman sigurong mag sorry? Sandali at kukunin ko lang yung mga gamit..", paalam ko sa kanya.
Dismayado na naman syang tumingin sa akin.
Tapos napa iling iling pa sya.
Sabay ng pagtalikod nya.
Okay!
Aminado ko...
Bokya ako.
Pero...
Bakit ba kasi ganon ang attitude nya?
Pagka sungit sungit nya!
At dahil diyan!
Tatawagin ko na lang syang Mr. Su!
Short for Mr. Sungit!
Mood swing agad?
Daig pa niya ang buntis. Naghihimutok na nagmadali na akong bumalik sa rest area. Sumakit nga yung paa at binti ko dahil sa pag takbo at lakad ko. Naka high heels pa kasi ko.
Pano...
Nag pumilit na naman si mama na itong isuot ko. Kaysa tumagal pa ang usapan sumunod na lang ako.
Di bale...
Kasi...
Personal things ko at other items nalang ni Jin ang dapat kong dala. Yung ibang mga gamit kasi nya ay may helper na nagkakarga sa sasakyan nya. Kaya nagtataka talaga ako. Nung isang malaking sports bag pa ang natira sa may cabinet nya. Syempre dahil nga sa nag aapura na ako ay hindi ko na magagawang magreklamo.
Binuhat ko na yung bag.
Ang bigat!
Nahirapan akong i-angat yon gamit lang ang isang kamay ko.
Pakshet naman!
Dalawang kamay na nga ay mabigat pa din!
"Ano bang laman ng bag na to? Aparador?", inis na naisip ko.
Binalak ko talagang buksan.
Kaya lang ay may padlock.
Whatever!
Kanda kuba ako sa pag buhat!
Nakakawala naman ng poise!
Hindi ko lubos maisip na magiging kargador pala ang trabaho ko dito. Di na ako magtataka kung bigla akong maging maskulada. Pagdating ko sa parking dumiretso na agad ako sa nakaparadang white Mercedes Sprinter Van na service daw ni Jin. Halos tumagaktak ang pawis ko. Nagkanda sakang sakang na nga ata ako sa paglalakad ko. Kainis naman kasi ang kasumpa sumpang bag na ito.
Himinga ako ng malalim.
Sa wakas...
Eto na rin ako sa parking.
Binuksan ko ng malakas ang pinto ng sasakyan. Pigil ang hingal na isinampa ko sa mataas na Van yung bag. Automatic na pina andar na ni Manong Carding ang sasakyan ng sumakay ako sa unang upuan malapit sa pinto. Nalingunan ko si Mr. Su na nasa gawing dulo pa.
Ang walangya!
Sitting pretty!
Samantalang ako...
Kandahirap sa pagbubuhat ng gamit nya.
Ang magaling na lalaki ay naka earphone na naman at relax na relax.
"Alam mo para kang turtle..", maya maya ay narinig kong sabi niya.
Napalingon tuloy ako sa kanya.
Nakita kong nakapikit naman sya.
So...
Naisip ko kung ako ba yung kinakausap nya?
Or out of the blue ay talagang nagsasalita syang mag isa?
Nakita ko na tinanggal nya yung isang earphone nya sa tenga.
Tapos dumilat sya.
"Ako ba yung kausap mo?", naisip ko tuloy na itanong.
"Yeah, ikaw lang naman ang parang turtle dito eh.."
Napataas ang kilay ko.
Yun na ba talaga ang ka look alike ko?
"At bakit naman ako naging turtle?"
"Wala, sekreto ko na yon, walang clue.."
"Corny naman..", bulong ko.
Tapos ngumisi ngisi pa sya.
Kung ang motibo niya ay inisin ako...
Pwes matagal na akong inis!
"Kung dahil sa nababagalan ka sa akin kaya ako mukhang turtle para sayo, sorry ka na lang, kasi next time mas babagalan ko pa."
Pagsusungit ko na.
"Whatever you say..", sabi niya.
Sabay lahad nya ng palad nya.
Parang may hinihingi sya akin.
Hindi ako kumibo. Balak ko talaga ay ignore-in nalang sya. Feeling naman nya kasi manghuhula ako? Yung alam ko agad ang ibibigay sa kanya pag nilahad nya yung palad nya?
Nako hano.
"Pwede yung cellphone ko?", maya maya ay sabi niya. Napansin nya siguro na ayaw ko ng sundin sya.
I rolled my eyes.
Napipilitang kinuha ko ang cp nya sa bag na dala ko.
Luminga ulit ako sa gawi nya.
Nakalahad na pa rin ang palad nya.
Meaning...
Wala syang balak na gumalaw man lang sa pwesto nya.
Ang tamad!
Napa buga ko ng hangin.
Tapos ay napipilitan na din akong dumasog sa gawing likod ng sasakyan.
Iiabot ko kasi ang cellphone nya.
Kahirap kaya...
Kasi umaandar yung sasakyan.
Add pa nga na naka heels pa nga ako di ba?
Ang ginawa ko...
Kumapit kapit nalang ako sa kung anu man ang pwede kong kapitan.
Support lang.
Para hindi ako ma out of balance. Hindi sinasadyang napatingin ako kay Jin.
Ang walangya!
Parang aliw na aliw pa sa panonood sa akin!
Ggrr.. himutok ko.
Saglit pa ay nakalapit na ko sa kanya.
Masama ang loob na inabot ko yung cellphone nya. "O bakit nakatingin ka pa? inaabangan mo na madadapa ako? Sorry, hindi nangyari..", inirapan ko talaga sya.
Nakita ko na iiling iling lang sya habang nag start na syang kutkutin yung cp nya.
Ako naman...
Tumahimik na lang ako.
After ilang minutes...
Sa wakas ay nakarating na kami sa clubhouse.
Pag hinto namin ay nagpati una ng bumaba ng Van si Jin.
Ang kapal talaga!
Ni hindi man lang nya binitbit yung gamit nya!
Kaya ayon...
Wala na akong choice kundi bumalik sa pagiging kargador.
Hindi na pwedeng mag inarte.
Kailangan na din kasing i-park ni manong Carding yung sasakyan Halos kaladkarin ko na nga yung bag sa floor dahil ang bigat talaga. Nakakainis talaga! Inilibot ko yung tingin ko sa clubhouse.
Very private yung place.
Halos wala kasing tao.
Dumaan lang kami sa receptionist tapos dire-diretso na kaming pumasok sa loob.
Maluwang yung lugar.
Marami kasing pasikot sikot na daanan.
Edi ayon nga...
Lakad lakad na naman kami.
Nakasunod lang ako sa kanya. Napagmasdan ko tuloy yung gawing likuran nya. Naiinis nga ako sa sarili ko kasi pinag aaksayahan ko pa sya ng panahon na tignan. Samantalang hindi man lang nya ko tulungan. Napaka ungentleman talaga nya.
Kaasar sya!
Kaya lang...
Hindi ko talaga mapigil ang sarili kong tumingin.
Naka jogging pants sya.
Tapos pawis pawis na yung kulay gray na shirt nya.
Kaya naman naka fit na yung damit nya sa body nya.
Naisip ko...
Maganda din pala yung back part nya.
Wala kasing naka bakat na fats.
Kaya parang ang sexy sexy nyang tignan.
Napailing iling ako sa naisip ko.
Inaamin ko.
Minsan ay nag uusap usap kaming magkakaibigan regarding sa mga sexy assests ng mga boys.
Pero hindi kami maniac!
"Hey! Jin! Pare, long time no shots ah!", sigaw ng isang lalaki.
Papalapit sya sa gawi namin.
Nakasuot lang ito ng swimming trunks.
May towel pa na nakasampay sa balikat nya na halatang galing sa pag swi-swimming.
Naisip ko tuloy...
Di ba magswi-swimming din si Jin? Magsusuot din kaya sya ng ganung damit?
Ah!
Ano ba?!
Saway ko sa sarili kong imagination. Ang pilya pilya ko naman! Pero what if nga diba?
"Manuel, pare!", bati ni Jin.
Nag apir pa yung dalawa. Nung makalapit na yung lalaki tsaka ko lang sya nakilala. Si Manuel Acosta pala ito. Sikat din na artista pero sa kabilang network nga lang. Binaba ko muna yung bag sa floor dahil hirap na yung balikat ko. Tiyak na matagal pa mag uusap yung mga to.
Grabe pala ang tangkad ni Manuel.Kailangan ko pa tuloy tumingala para tignan yung mukha nya. Masasabi ko na medyo okay ang itsura nya sa personal kesa sa tv.
Okay.
Gwapo sya at maganda ang katawan.
Hindi ako mahilig sa mga sikat.
Pero syempre kilala ko din naman sila.
Tapos...
Naalala ko na naman yung kambal!
Kung kasama ko lang sila ngayon.
Siguradong happy na happy yung mga yon.
"Sino sya pare? Mukhang kolehiyala na mga type mo ngayon ah. Wala na ba ang issue ni ano?!", nanunudyo na tanong nito kay Jin.
Nakatingin sila sa akin.
"Sira!, matagal ng wala yon!.. ah, yeah, sya si turtle, pet ko..", biro niyang pakilala sa akin.
Hinatak pa nya ko sa kamay para makalapit ako ng konti.
"Oh Hi! Little Turtle..ang cute mo naman..", pakiki ayon naman ni Manuel sa kanya.
Ngingiti ngiti lang ako.
Kahit ang totoo ay gusto ng malukot ng mukha ko at pagsasampalin yung dalawang to na parang parehong may sayad.
"Ano na ngang pangalan mo?"
Jin lean forward at pasimpleng bumulong sa gawing tenga ko.
Waah!
Okay, hindi nya ba talaga ako kilala?
Okay fine.
Okay lang!
Kasi diba nga poor memory sya?
Understood na yon!
Sinabi kong pangalan ko.
Pero hindi yon ang isyu ko dun. Ang isyu ko ay yung para kong gininaw. Siguro kasi nakiliti lang ako sa gawing tenga ko nung bumulong sya.
Sige at talks lang sila.
Para silang mga babae.
Ang dadaldal nila.
"Bye, little turtle!", narinig ko na paalam sa akin ni Manuel.
Kumaway naman ako.
Tapos ay umalis na sya.
"Hey! Okay ka lang?", parang concern na sabi ni Jin maya maya.
Inilagay pa nya yung kamay nya sa ulo ko.
"Syempre okay ako!", tinabig ko yung kamay nya.
Ang bigat eh.
Tsaka magugulo yung hair ko.
"Don't be upset kung hindi ko natandaan yung name mo, bakit ba kasi hindi remarkable?". nakangiting biro pa niya.
"Bakit yung sayo? remarkable? At saka hindi ako upset, hindi ako maa-upset ng ganun ganun lang..", irap ko sa kanya.
"Whatever! Paki bilisan mo na lang ang lakad.", request pa niya.
Tapos ay nagsimula na naman syang maglakad.
"Teka lang ha! try mo kaya na ikaw magbitbit ng bag mo?", di ko napigilang umangal.
Lumingon sya sa akin.
At nagtatakang tumitig.
"Ako ba ang P.A. dito? O ikaw? Sige sagot."
"Ako nga! Kaya lang.."
"Okay. Alam mo naman pala eh.", sabi nya.
Sabay talikod pa nya.
Napapikit na lang ako sa inis. Masama ang loob na binuhat ko ulit yung pakshet na bag. Naglakad pa kami ng konti. Tapos nakita na nya yung spot na gusto nya.
Sa wakas...
Kinuha na niya sa akin yung bag nya. Ipinatong nya yon sa isa sa mga swimming pool benches. Nakita ko na kinuha nya ang susi ng padlock sa bulsa nya. Bakit kaya may ganon pa? Tingin ba nya pagnanakawan ko sya?
Excuse me noh!
Nakakawindang...
Pero promise di ko talaga tinanggal yung titig ko nung nag start na syang buksan yung bag nya.
As in naka pakat lang yung tingin ko don.
Atat na kong malaman kung ano yung tinatago nya don.
Nakita ko...
Kinuha na nya yung mga gamit nya na pang swimming.
Tapos ano...
Shet!
Tinabingan nya ang view ko.
Hindi ko tuloy nakita yung ibang laman non.
Asar naman!
"Pag gusto mo mag lunch, may resto near the entrance, just turn left."
Sa sobrang focus ko.
Hindi ko namalayan na may sinasabi na pala sya.
"Hoy!, nakikinig ka ba?"
"Ha? ah o-Oo.", litong sagot ko.
Oo na lang ako.
Hindi ko narinig eh.
Nakita ko na napa iling iling na naman sya.
Tapos ay umalis na lang sya.
Nung wala na sya sa paningin ko.
Agad kong sinunggaban ang bag nya na naiwan pa nyang naka awang.
Chance ko na talaga to!
Sige!
Halungkat lang ako.
Nung makita ko yung mga laman non.
Nanlaki talaga yung mga mata ko.
"Ano to?", talagang napakunot noo ako.
May biblia at encyclopedia na nagkakapalan!
No wonder na halos mapigtas ang balikat ko sa bigat! Bakit ganito dala nya? Nagpapaka banal ba sya o nagpapakadalubhasa? Tapos may kung anu ano pang items na magpapabigat sa bag nya. Inis na inis ako habang isa isa kong inaangat yung laman ng bag nya.
Pero isa lang ang sure ako!
Sinadya nya to para pahirapan at inisin ako.
Asshole talaga!
"Bwiset bwiset bwiset!"
Asar na pinagbubugbog ko yung bag nya na kunyari ay sya na rin yon!
Aba!
First day ko palang pero feeling ko ay pinapasuko na nya ko! Wala pa rin syang pinag iba.
Pang inis pa rin sya!
At mas lalong lumala pa!
Ang rude nya!
Itutuloy..