On-The-Love Training
midnyt_princess
CHAPTER 11
MAKI - Point Of View
"Friend, ano ka ba? eh di ba, drop dead gorgeous nga ang term na ginagamit nung mga nakakakita kay Jin Chua. So magtataka ka pa ba? Aminin mo na, nasa denial stage ka pa ba? Nangyari na din yan sayo dati eh, remember? .", natatawang declare ni Marga sa kabilang linya.
[Drop Dead Gorgeous - Someone who at first glance is extremely good looking, it is hard to look away. So you look on which makes your heart beat faster and then time slows.]
"Eh madami naman akong artista na nakikita ah. Mas gwapo pa nga sa kanya! Anong drop dead gorgeous ang sinasabi mo dyan. Ang dapat mong sabihin, baka may lahing mangkukulam yung lalaking yon!", inis na nagpagulong gulong ako sa kama.
Kanina pa kami magkausap sa phone. Nagkwe-kwento kasi sya ng moment niya with Rap. Then napunta nga sa SJT ko ang usapan.
"Wow, kala ko mga vampire lang ang magaganda ang itsura, pati mangkukulam na pala. You mean, lahat ng girls pati yung kambal nakulam din nya?!", pagsakay nya sa sinabi ko.
"Malay ko!"
"O sige na, ikwento mo na sa akin yung nangyari sa orientation mo, nangako ka na magkwekwento ka di ba?", pilit na naman niya.
"Oo na, edi ganito nga yung nangyari.."
----> flashback mode
To that - walang ka-kwenta kwentang nangyari kanina sa CBE.
Yun nga...
Hindi ako makapaniwala na si Jin Chua yung dumaan kanina. Inis na inis ako sa sarili ko dahil sa inasal ko. I'm sure na mukha akong tanga! Asar! Talaga bang tuwing makikita ko sya ay dapat na para akong napapako sa kinatatayuan ko at manghang mangha sa kanya?
Aba!
Bakit naman kaya may ganung factor? Sinundan ko yung babae na nagpakilalang ate Rita sa akin. Tapos naglakad lakad kami at huminto sa tapat ng isang room. Tapos maya maya pa ay pinapasok na nga ko. Pagpasok ko palang ay napamaang na agad ako. Kasi nakilala ko yung lalaki na kaharap ko. "It's really you! Wow! Remember sa traffic sa tulay kahapon...", masayang bati niya sa akin.
At nag shakehands kami.
Sya yung nasa front seat ng nissan na sasakyan kahapon.
Yung kamukha kako ni Dennis Padilla.
Alanganin akong bumati at ngumiti sa kanya.
"Sit down please.."
"Ms. Ma. Katrina Isabel Agra, you've got a very nice names. Any nickname?, how should I call you?"
"Maki, just call me Maki, sir.."
"Yeah, ofcourse Maki. I'm Roberto Roque, younger brother ni Ms. V. I mean ni ate Virgie. That's what we call her here. You can also call me Bobby for short, ako ang assistant nya.."
"And then what else..",
Pinasadahan nya ng tingin yung hawak nyang papel.
Ah, resume ko.
Sandali...
Bakit parang iba? Di ko napigilan ang mang usyoso. Then napansin nya ako. "Yeah, nice picture!", aniya na ipinakita ang papel sa akin. Yung picture don ay picture ko na naka selfie ako. Naka sign pa ako ng peace at naka piggy pony tail pa!
Juice ko!
Halos mapangiwi ako sa nakita ko. Kaya pala kako parang may kakaiba. Hindi yon yung kuha ng school photograper namin na para sa resume.
My God! Pinalitan pala talaga ni Mama? Mamaya ay sisitahin ko sya!
"Anyway.. siguro ay alam mo na... that we don't really accept Ojt and Sjt here kaya hindi kami makaka pag offer sayo ng position sa other departments ng company to work on..."
"So, may idea ka na ba sa pwede naming i-offer sayo?", halatang tinitignan niya ang reaction ko.
"Personal Assistant?", panghuhula ko.
Napatango naman yung kausap ko.
"Kaya lang po sir Bobby, about kasi don sa nasabi ko po kahapon..",
Alanganin na naman akong tanggapin ang job offer.
Kaya lang ay red mark 75 na ako.
Baka hindi na ako maka graduate nito.
"Alin? Yung.. "Don't worry, I'm not a fan?!"
Hell yeah!
At kabisado pa niya talaga ang dialog ko ha.
Nakakahiya tuloy!
"That's okay! really! okay nga yon. You know what happened two years ago? Kaya ayaw na ng CBE ang mga trainees? Dahil yung P.A. ni Jin that time ay fan nya. So tendency, para na din syang may stalker. Upload ng picture, anywhere ,blog of whereabouts.."
"Atleast.. Kung hindi ka nya fan, it won't happen, right? And sabi ni Ms. Diane.. ng mama mo that you really need this training job.."
"It doesn't mean na P.A. ka, you need to carry all the luggages. Ofcourse not! May mga support tayo sa group, may makeup artist, wardrobe stylist, kargador etc."
"You just have to be around, para pag may kailangan ang ating talent ay madali tayong makaka respond.."
Madami pang sinabi si sir Bobby na pinakinggan ko naman talaga.
Naisip ko nga.
Para na akong umattend ng seminar nito.
Gusto ko na ngang mapa- Amen eh.
In fact.
Magaling syang mag explain.
Siguro katangian dapat yon ng isang manager ng artista. Para magaling kumausap ng client and sponsors. Nagpapaliwanagan pa kami ng biglang may kumatok. Tapos ay may pumasok ng room.
Hindi ko agad nakita kung sino.
Nakaupo kasi ako sa side na nakapatalikod sa door.
"Tamang tama Jin, I'm about to call you, maupo ka muna dito..", sabi ni sir Bobby sa bagong dating.
Naramdaman ko ang presensya ni Mr. Perfect sa paligid ko.
Syempre sa gilid ng mata ko ay tinignan ko sya.
Confirm!
Sya na nga yung dumaan kanina...
Kasi natatandaan ko na naka leather jacket yon at naka red ng shirt.
Yun lang naman ang naaalala ko eh.
Pwes!
Ngayong alam ko na.
Sya lang pala yon!
Binabawi ko na lahat ng pantasya ko.
Naupo si Jin sa tapat ng kinau-upuan ko. Bali magkaharap kami sa table ni sir Bobby. Napag masdan ko tuloy sya. Pero syempre pasimple lang.
Tama nga si Mama...
Ang gwapo nga pala talaga nya sa malapitan. Ang ganda ng kutis niya. Siguro apura ang pa Bello o Calayan nya. Tapos ang hair nya, winner ah! Ilang oras kayang pinalantsa?
Unat na unat kasi.
Naalala ko tuloy yung buhok ni Lee Min Ho.
O parang yung mga Popstar sa Korea. Pwede na sa mga commercial ng shampoo.
Anyway, kahit siguro titigan ko pa sya ay okay lang naman. Tutal ay hindi lang naman nya ko nagawa man lang na tignan.
O sulyapan man lang.
So ano naman?
Ikakamatay ko ba yon?
Ma at pa!
"Maki, this is Jin Chua, syempre kilala mo na sya, and Jin sya si Ma. Katrina Isabel, anyway nabasa mo na yung resume nya di ba?"
Nakita kong napatango sya.
Tapos tinanggal nya yung isang earphone sa tenga nya.
Nakakainis!
Kasi nung bahagya nyang ipinaling yung ulo nya ay parang...
Ang cute cute nya!
Bigla ko tuloy naalala si Bambi at Cham!
Pag nalaman nila ang nangyayaring to baka mapatay nila ko sa inggit.
Kung nandito yung dalawa na yon!
Naku po!
Baka pareho ng hinimatay!
Napangiti ako sa naisip ko.
"Maki,.?" untag ni sir Bobby sa akin.
Shet!
Kanina pa yata nya ako kinakausap.
"Ah, ano po un?!", nahihiyang tanong ko.
Umayos ako ng upo.
Nadaanan tuloy ng mata ko yung dismayadong tingin ni Jin.
"Is there something wrong?", ulit na tanong ni sir Bobby.
"Wala po, I'm good..", tapos ngumiti na lang ako.
"So Jin.. natatandaan mo pa si Maki? Except na sya si traffic girl kahapon nag kasama na din pala kayo sa isang tour dati."
Traffic girl?
Ah, talagang binigyan na nila ko ng bansag.
"Ah yeah, sa Boracay?..", tinatamad niyang sagot.
Halatang walang ka interest interest sa usapan.
"No, I think sa Palawan. Wala ako non dahil nasa honeymoon ako.."
"Ah.. Matagal na kasi, I almost forgot about it..", dagdag pa ni Jin na tumingin sa akin.
Nagkasalubong yung tingin namin.
Pero syempre...
I ignored him!
Alangan namang makipag titigan pa ako di ba?
May pa almost almost forgot pa syang nalalaman.
Gwapo nga sya..
Ang poor naman ng memory nya!
Abay...
Kung magbibida pala sya sa Plants vs. Zombies.
Tiyak na makakaligtas nga sya.
Pano...
Puro beauty!
Walang brains!
"Yeah, Is it now?.. yeah, yeah.. Wait for me..", sagot ni sir Bobby sa phone.
"Guys, maiwan ko muna kayo.", paalam pa niya at nagmamadali ng umalis.
Naiwan kami ni Jin.
Pareho lang kaming tahimik.
Asar at nakatitig pa sya sa akin.
Nakaka ilang tuloy.
Kung sinasadya nya yon ay bahala sya.
Basta ako...
Dededmahin ko lang sya.
"So.. I heard the news about the incident regarding your previous training job..", basag niya sa katahimikan.
"Excuse me?..", sagot ko naman na medyo nabigla.
Pano niya yon nalaman?
Akala ko pa naman secret lang yon?
"I heard it from Ms. V..", dugtong pa niya.
Ofcourse naman.
Nakwento din siguro ng napaka ganda kong ina.
"Tell me...paano mo sinapak ang Executive Assistant ng isang modeling company?", seryosong tanong nya.
"Ha?", napa ngangang tanong ko ulit sa kanya.
Nakita ko na parang na annoy yung itsura nya.
Nairita na yata sya sa kakasagot ko ng "ha!?"
"Nagkasama na kami minsan sa isang project nung taong sinapak mo. So natatawa talaga ako pag naiisip ko yung itsura nya sa ginawa mo.."
Nakita ko na napangiti talaga sya.
Tapos ay hindi nya napigilan ang tumawa.
Sige tawa ka lang!
Pero ako...
Hindi ako natawa.
Hindi niya kasi alam na halos mahipo na ng maniac na yon ang boobs ko!
Sexual harassment nga yon eh!
Buti hindi kami nag demanda.
"Alam mo, hindi ko naman gagawin yon kung hindi nya ko ginawan ng masama..", depensa ko.
"Yeah I know.."
Nasa mukha pa rin niya ang expression na natatawa sya.
"Anyway dito, it won't happen. Una, you're not my type..", diretsahang sabi nya.
Tapos ay hinagod pa nya ng tingin yung buong itsura ko.
Parang nakita ko na naman yung pagmumukha nya na dismayado.
"I mean, hindi ako nag kaka interest sa mga tao who work for me. Pangalawa, hindi ako maniac so wala kang reason para sapakin ako..", he smirked.
"Hindi lang naman yon ang reason kaya nasasapak ang isang tao. Pwede naman na dahil sa mayabang sya o sobra na syang nakakainis..", ngumiti ako.
"Yeah, right. And since, hindi ka daw mahilig sa mga artista and you're not even my fan.. then wala siguro tayong masyadong magiging problema..",sabi na lang nya.
Tapos tumayo sya.
At nagsimulang maghubad.
Nagulat ako sa ginagawa nya.
Gusto ko ngang magtakip ng mata.
Asar!
At sa harap ko pa talaga ha!
Ayon nga...
Naghubad sya ng jacket nya!
Bawal ang madumi ang isip.
O ako lang yon? hoho
"You're in."
"Payag na akong maging P.A. ka."
"So...lets work together. Goodluck!", nakangising sabi nya.
Sabay hagis nya ng jacket sa akin.
At ang jacket nya...
Parang turuang lumanding pasukblob sa ulo ko.
Shet!
Sa gulat ko ay daplis na mapamura pa ako.
Hinablot ko agad yung jacket nya na naging parang belo ko na.
Nakita ko na naman na nakakalokong nakangiti pa sya.
Tapos ay baliwala lang na naglakad na sya papunta sa pintuan at tatakas na!
Nahabol ko sya ng tingin.
Aba!
Teka!
Ang bastos ah!
Hindi ako prepared!
Kaya talagang yung mukha ko na yung sumapo sa jacket nya.
Eh ang bigat bigat kaya!
Napatayo tuloy ako.
Ang balak ko ay ibato pabalik sa kanya yung jacket nya.
At sisiguraduhin kong tatamaan sya!
Basta yung masakit!
Isa! dalawa! Tat...
Pahagis na talaga ko.
Kaya lang...
Biglang napasinghot ako!
"Ang bango naman!", yun agad ang naisip ko.
Tapos ay inamoy ko ulit yung hawak ko.
Sorry naman at hindi ko talaga napigilan.
"Hep! Ano ka ba Maki! This is not the right time na isipin yan! Remember binastos ka ng Jin na yan! Tama ba namang basta basta nalang ibinabato ang damit sa taong di mo naman ka close?!", sabi ng isang katauhan ko habang sinasaway ko ang aking sarili.
Tapos napailing iling ako.
Oo nga at mabango!
Pero mali pa din na bastusin nya ko!
Nasa ganun akong ayos ng biglang...
"And one more thing traffic girl..", narinig kong sabi ni Jin.
Hala!
Bumalik pala ulit sya.
Siguro ay may nakalimutan syang sabihin.
Napatda tuloy ako.
Sa gulat ko.
Napayakap tuloy ako sa jacket nya na inaamoy ko kanina.
My god!
Nahuli nya kaya ako?
Nung tignan ko sya.
Amusement is written all over his face.
Ewan ko kung para saan.
Itutuloy.