On-The-Love Training
midnyt_princess
CHAPTER 10
MAKI - Point Of View
"Thank you ha kasi tinulungan mo ako."
"It's okay." Huminto sya para harapin ako.
Nagpalinga linga ako.
Wala pa palang masyadong tao ang lalakad lakad pag ganitong oras. Ine-expect ko kasi pag mga Entertainment Network na ganito ay maraming mga artista at maraming mga tao. Yung ganon. "Ah, Pwede ba na lumakad pa tayo ng konti!?", request ko.
Feeling close na hinawakan ko pa sya sa braso at inayang lumakad. "Baka kasi nakatingin pa si manong guard. May lihim yatang galit sa akin yon eh.." Nag joke pa ako.
Trying to be nice ang drama ko.
"Okay na dito."
Huminto na ako.
"Thank you ulit ha. By the way I'm Maki.. It stands for Ma. Katrina Isabel.." Pakilala ko sa sarili ko.
Napatigil ako.
Kasi nakatitig talaga sya sa akin. At naka ngiti sya, tapos ngayon ko lang sya napagmasdan. Ang gwapo pala nya nailang tuloy ako. Hindi kaya artista sya o modelo? His looks kasi ay parang ganun ang dating. "Uhm, are you an artist or perhaps a model?" Di ko napigilang itanong.
"No. Do I look like one!?" Nakangiting sagot pa din nya.
"Yap, tinanong ko lang just to make sure. Kasi baka ma offend kita na hindi kita nakilala kung sikat ka man. Alam mo kasi, hindi ako masyadong nanonood ng tv...".
"And sorry nga pala, kasi all of the sudden ay bigla na lang may weird na babae na lumapit sayo at sinabing magkasama kayo. Pero promise hindi ako crazy." Dirediretsong sabi ko sa kanya.
"It's okay and to answer your questions, hindi ako sikat na personality na lumalabas sa tv at hindi naman kita napagkamalang crazy, ah maybe a bit....", nag paused sya sandali.
Hindi maka isip ng term to describe me.
"Odd!?" Dugtong ko.
Di ko alam kung pano i-describe yung nakikita ko sa expression ng mukha nya.
Nawiwirduhan kaya sya sa akin?
"Yeah, something like that. I mean you have guts! Pano mo nalaman na makiki-ride ako sa plano mo, Maki?"
"Well...I have no idea, nagkataon lang na ikaw yung dumaan. Kailangan kasi eh, sorry ulit ha".
Mukha namang okay lang talaga sya.
Kasi mukhang ang bait bait nya.
"Anyway I'm Vincent..." Pakilala niya sa sarili nya.
Nakipag kamay pa sya sa akin.
Okay!
Ang lambot ng palad nya.
Wew!
Vincent must be an angel indisguised.
Ang sarap nya kausap, imagine di naman kami magkakilala. Pero magaan agad yung loob ko sa kanya. "So... From here, I supposed you know where to go!?" Tanong niya. Hindi nya naiwasan na mapatingin sa wrist watch niya.
Of course...
May sadya din sya dito.
Tulad ko.
"Yeah, go ahead. Baka late ka na sa appointment mo." Yun ang sabi ko.
Pero sa totoo lang.
May kailangan pa sana ko sa kanya.
"Are you sure?! Then i'll go ahead. Nice to act with you, try mo mag audition minsan." Biro pa niya.
Tapos ay tumalikod na sya.
At lumakad palayo.
"Wait, Vincent..." Tawag ko.
Nung huminto sya ay ako na ang lumapit sa kanya. Naghintay sya ng sasabihin ko. "Actually, I need to call someone kaso kasi empty yung battery ng phone ko..." Kapal mukz kong sabi.
Pinakita ko sa kanya ang cellphone ko. "Ah, okay. Here, you can use mine.", Inabot niya ang cellphone nya.
He's really an angel.
Nagtry ako makontak si mama. Pero ring lang ng ring ang phone nya. Naka ilang missed calls na din ako.
Nung medyo matagal na ay nahiya na ko at sinoli ko na yung cp ni Vincent.
"Hindi ko ma-contact si mama, but anyway thank you ulit."
"What do you came here for ulit?" Maya maya ay tanong niya sa akin.
"Interview ko sa application ko ng job training, from St. Brigette College."
"Okay, sandali lang."
Nag dial sya.
Tapos may agad na kumunekta sa kabilang linya. May tinanong tanong sya. Regarding yon sa mga info na sinabi ko sa kanya. "Yeah, that one. Okay Catherine. Copy! Thanks!" Pamamaalam niya sa kausap nya.
"Well naka appointment ka kay Miss V Roque. 5th floor, nandun lang yung office nila. The elevator is located at the end of the hall." Nakangiting pagbibigay nya ng information sa akin.
Roque!?
That's it!
Yon ang surname ni tita Virgie.
Ngayon ko lang naalala. Sobra sobra sa access naman yung naharang ko.
Ano ba sya dito?
Officer ng network?
Pero imposible yon.
Mukhang nasa 20's palang si Vincent.
Batang bata pa.
"Totoo ba?! Wow! Ang galing galing mo naman. How can I repay you?!" Masayang masaya syempre ako.
"I said it's okay. Just do your best sa interview mo."
"Sandali lang ha..", pigil ko sa kanya.
Naisipan ko na kumuha ng paper at pen sa dala kong shoulder bag.
Tapos sinulat ko don yung name ko at contact number.
"You should give me a call whenever you're not busy. Pag pwede ka, promise i'll treat you dahil ang bait mo. Walang halong malisya yan ha!"
Nakangiti naman nyang kinuha yung note ko. Tapos nagpaalam na ko. Pumunta agad ako sa elevator. Sa 5th floor may ilang mga tao pero mukhang mga busy silang lahat. "Excuse me, I'm looking for Ms. V's office..." Tanong ko sa malaking babae na nag daan.
Nasabi kong malaking babae dahil as in malaki sya hindi mataba as in macho. Yung malaki yung pangangatawan with 6 feet height. Medyo napataas niya ang kilay ko, tinignan ba naman nya ko mula paa hanggang ulo eh.
Usiserang frog?
"From St. Brigette?" tanong niya.
Boses binabae sya.
Cross dresser pala ang bruha at naka wig pa sya ha. Ngumiti ako at tumango. Tapos sinamahan nya ko sa isang area. Pumasok kami sa pintuan don.
Maluwang din ang lobby.
Pag pasok namin sa pinto ay may sofa tapos may mga rooms na.
"Maghintay ka muna dito. Yung room sa kanan yung kay Ms.V.", bilin nya.
"Thank you po.." sagot ko na lang.
Umupo muna ko sa sofa tapos umalis na din si pa girl.
The place is good.
Maluwang at moderno.
I look around.
Alam nyo naman ako may pagka usi talaga.
Short for usisera.
Nilibang ko yung sarili ko. Wala kasing charge ang cp ko kaya wala tuloy akong mapagka abalahan. Nasa ganon akong pag iisip ng parang may naririnig akong footsteps na papalapit. At dahil akala ko ay sa assistant na ni tita Virgie yon ay automatic akong tumayo at naghintay.
Bumukas ang pinto.
Tapos at that very moment.
Napako na yung tingin ko sa matangkad na lalaking pumasok sa pintuan. As in nakatitig lang ako sa kanya. Parang may magnet kami na nahipnotismo nya ako at nag tama ang paningin naming dalawa.
Yung parang...
Ginamitan nya ko ng mahika.
Shet!
Ang ganda ng mga mata nya. Feeling ko ay para kong ice cream na natutunaw dahil sa titig nya.
Kumabog yung dibdib ko na prang bigla ay naiba yung background sa paligid ko. Yung parang nag puso puso.
Oa!
Pero totoo!
Tapos ay naging slow motion ang lahat lahat.
"Ang gwapo nya..."
Parang sirang plaka na paulit ulit ang mga salitang yan sa isip ko. I even parted my lips. Hindi kasi ako makapaniwala sa nangyayari. Parang nakakita ako ng pinaka gwapong lahi ni Adan. Eto nga at nasa malapit lang sya sa akin. Hindi ko alam kung gano ko katagal na nakatulala. Basta para akong tanga na nakatitig lang sa kanya habang dumadaan sya sa harap ko.
Ang bango pa nya...
Juice colored pala!
"Miss..."
"Miss.."
Maya maya pa ay may kumakalabit na sa akin.
"Miss, ikaw ba yung papalit sa aking P.A.?"
Dun lang ako parang natauhan.
Wala na din sa harap ko yung lalaki kanina.
Namalik mata lang ba ako?
Malamang!
Dala siguro ng puyat.
"Po? Ano pong P.A?"
Takang tanong ko na napatingin pa ako sa maliit na babae sa harap ko.
"P.A. , pirsunal asestant ni Jin. Ikaw ba yon?"
"Ho? Sinong Jin?", lalo akong nalito.
Nagtataka nga ako.
Bakit parang lasing ako?
"Si Jin Chua! Yung dumaan dito kanina. Ikaw ba kako yung OJt na P.A.?!
Ramdam ko na hirap na din magpaliwanag yung babae sa akin.
"Ay jusmio Marimar.. halika at sumunod ka na sa akin.", umalis na sya na kakamot kamot sa ulo.
"Teka lang! Si Jin Chua yung dumaan?!", tanong ko sa isip ko.
Seryoso?
Di nga?
Bakit hindi ko sya nakilala?
Hindi pwede!
At lalong hindi pwede na ang SJT ko ay Personal Assistant nya!
No!!!
Itutuloy.