Lei Hindi ako nagdalawang isip na tumakbo kaagad. Sobra akong nataranta sa mga nangyari. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ko yung spell na yun. "Zairah! Nakita mo ba ung spell ko?-" Nakangiti akong humarap sa babaeng hila hila ko sa pagtakbo. Unti-unting naglaho ang ngiti ko nang makita kung sino ito. "X-Xena?" Nanlulumo kong sambit. Tulad ko ay tumatakbo rin si Xena. Ang ipinagkaiba nga lang ay hawak-hawak ko pa rin ang kamay niya at hila-hila ito. Mabilis kong binitawan ang kamay niya nang matauhan ako. "A-Ah sorry!" Natataranta kong sambit. Napahampas na lang ako sa mukha ko sa sobra kong katangahan. Shit. Masyado akong nataranta kanina at hindi ko namalayan na si Xena ang nahila ko sa pagtakbo. Ang masama pa ay walang bakas na nakasunod sa amin si

