Xena Kahit sa nangyari ay nagawa naming makatawid sa border ng mga kasama ko. Ito na ang huling bayan na daraanan namin. Ang sunod na border na mapupuntahan namin ay ang border na ng Frencide. Hindi ko inaasahan na may makakaharap kaming mga Disciples sa huling bayan. At dahil doon ay wala sa oras kaming napalaban. Napatingin ako sa nanginginig kong kamay. Hindi ako makapaniwala na nagawa kong gamitin ang spell na yon sa isang indibidual. Tila nanlabo ang paningin ko at nawalan ako ng balanse. Pero bago pako tuluyang matumba ay naramdaman ko ang paghawak sa akin ng kung sino. Tinignan ko ang lalaking sumalo sa akin at bumungad sa akin ang seryosong mukha ni Raze. Pinagmasdan ako nito mabuti at humigpit ang pagkakahawak niya sa akin bago siya umismid. "Let's stay here for tonight.

