Xena Napaismid ako sa sinabi ng babaeng kaharap namin. Walang ni isa sa mga kasama ko ang sumagot sa tanong niya. Tanging kami lamang ni Lei ang nakakita at nakakaalam ng pagkawala ng panglimang Disciple. Ang alam ng iba ay natakasan namin ito. "Shut the hell up woman. Wala kaming alam sa sinasabi mo." Giit ni Raze rito. Napunta sa kaniya ang tingin ng babaeng Disciple. Naramdaman ko ang pagtaas ng mga balahibo ko sa tingin nito. "Ya? Then tell me kid. Saan kayo nanggaling? Bakit kayo nandito?" Marahang tanong ng babae. "Wala kaming obligasyon na sagutin ang tanong mo. Tulad ng sinabi ng kasama ko, hindi namin alam ang tinutukoy mo." Sagot ni Zairah. Nagbago ang ekspresyon ng babaeng kaharap namin dahil sa sinabi ng kasama ko. Pinagmasdan kami nito mabuti at tumagal ng ilang segundo

