24. Last Town

1116 Words
Zairah Tanging pagismid na lamang ang naisagot ko sa sinabi ni Xena. Hindi siya yung tipo ng taong nagsisinungaling. So I guess I should trust her words. Apat na araw kaming naglakad sa parang walang katapusan na gubat na pagitan ng mga borders ng kada bayan. Hindi ko napansin ang mga araw hanggang sa matagpuan na lamang ang mga sarili namin sa tapat ng isang border. "We're freaking here." Kumento ni Raze. Nakahinga ako ng maluwag nang nakarating kami sa border ng walang problema. Ito ang huling bayan na dadaanan namin bago makarating sa bayan ng Frencide. "Gaano ba katagal tayong nasa gubat na yon." Reklamo ni Lei. "Ilang araw na lang bago ang mangyari ang blue moon?" Marahang tanong ni Xena. Nag-isip muna ako bago sumagot. Mula ang araw na umalis kami sa Mageía High hanggang ngayon- "Anim na araw." Sagot ko. Napaismid si Raze sa sagot ko. "Tatagal pa ng halos tatlo o apat na araw bago tayo nakapunta sa Frencide kung dadaan tayo sa border."  "Kaya nga wag na tayong mag-aksaya ng oras dito." Sarkastikong sagot ko. Nauna akong maglakad sa kanila sa border at sumunod sila sa akin. "N-Nga pala. Anong pangalan ng bayan na to?" Biglaang tanong ni Tana. Natigilan kami sa tanong nito. Nawala sa isip ko ang tanong yon. Pare-pareho kaming nagkatinginan ng mga kasama ko na kapwa ko ay hindi rin alam ang pangalan ng susunod na bayan. "H-Hindi sumagi sa isip ko ang tanong na iyon. Ito ang unang beses na pupunta ako sa bayan na'to. Pero ang balita ko ay normal lang naman ang bayan." Sagot ko na lamang. Hindi na nagtanong sa akin si Tana at nagpatuloy na lang kami sa paglalakad. Sunod-sunod kaming tumawid sa border at bumungad sa amin ang isang hindi kalakihang bayan. Walang mukhang bago sa bayan na'to pero sobrang kataka-taka na wala man lang kaming makitang isang sibilyan.  Nagpatuloy kami sa paglakad hanggang makarating kami sa capital. Doon namin nakita ang dahilan kung bakit wala kaming makitang mga sibilyan sa paligid. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakikita ko. Nasusunog ang capital ng bayan na ito. Kapwa kong mga witches ang sumusunog ng mga bahay. Pero ang kapansin-pansin sa kanilang lahat ay ang tatlong namumuno sa kanila.  Dalawang lalaki, a man that looks like he's on his mid 40s and guy on his mid 30s. At isang babaeng mukhang hindi baba sa limang taon ang tanda sa amin. Agaw pansin ang mga numerong nakatatak sa iba't ibang parte ng kanilang katawan.  5. 8. 12. "The Disciples." Mahinang sambit ni Xena. Tila naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Hindi na ito tulad ng naharap naming myembro ng 12 Disciples. Tatlo na sila ngayon.  At isa sa kanila ay panlima ang numero. Sa kanilang lahat ay siya ang pinaka delikado. "H-Hindi pa nila tayo napapansin. Umikot-" Kinakabahang sambit ko. Humarap ako sa mga kasama ko para magsalita nang agad akong natigilan. "Oh? Bakit may mga nobles dito?" Natatawang sambit ng isang lalaki.  The guy who's in his mid 30s. He has a number 8 on his neck. Bigla lamang itong sumulpot sa likod ni Lei na kapwa ko ay hindi rin makagalaw sa pwesto niya. "Kung sinuswerte ka nga naman. Anak pa ng ruler ng Frencide to." Muling sambit ng lalaki. Napaismid ako sa sinabi niya at mahigpit na sumara ang kamao ko. Balak ko sanang magsalita nang may nauna sa akin. "astrapí !" Biglaang sambit ni Raze. Lumabas ang isang palasong gawa sa kuryente at muntikan na itong tumama sa lalaking nasa likod ni Lei. Nagawa nitong makaiwas pero nagalusan ito sa pisngi. "You bastard-" Inis na sambit ni Raze. Punong-puno ng galit ang mga mata niya habang nakatingin sa lalaki. Walang ganang tinapunan si Raze ng tingin ng lalaking may numerong walo sa leeg.  "You said a spell first, I guess you're ready to put your life on the line." Walang kaemo-emosyong sambit nito. Napakagat ako sa labi sa sinabi niya. That stupid Raze. What the f**k is he freaking doing?! Hindi nagpatinag ang lalaking kasama ko sa sinabi ng Disciple at taas noo nito siyang tinignan. "The day I decided to avenge my parents, I already disregarded my life!" Sagot ni Raze. Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi lamang ako kung hindi pati narin ang myembro ng Disciples na nasa likod ni Lei. "Eh?" Pagtataka nito. Pinagmasdan niya mabuti ni Raze at bigla na lamang itong natauhan. "Gray hair-" "Ah! Natatandaan ko na!" Natatawang sambit ng lalaki. "Ikaw ung anak ng dalawang traydor sa council." Dagdag nito. Nabigla ako sa sinabi niya at napunta ang tingin ko kay Raze. H-He's a noble?! "That day. Tatlong myembro ng Disciples ang nakita ko." Walang kemo-emosyong sambit ni Raze. Kumurba ang labi ng myembro ng Disicple at tinuro nito ang numero sa leeg niya.  "Yes. Three. Ten. And me, Eight."  Nag-iigting ang bagang ni Raze sa sinabi niya. "I'll f*****g kill you." Walang-kaemo emosyong sambit nito. Balak na sanang magsalita ni Raze upang bumanggit ng panibagong spell nang matigilan ito. "min kinoúntai." Sambit ng isang lalaki. Natigilan si Raze sa pagsalita at sa paggalaw. Unti-unti itong lumutang sa ere. "Raze!" Tawag ni Tana. Napunta ang tingin ko sa lalaking gumawa nun kay Raze at tumaas ang lahat ng balahibo sa katawan ko. The number five is here. Sumunod din ang babaeng may numerong 12 malapit sa dibdib niya. "Masyado ka atang nahihibang, bata." Walang ganang sambit ng matandang lalaki kay Raze. Wala akong nagawa kundi tumayo lamang sa pwesto ko. Wala akong lakas na loob na lumaban sa kanila. "elefthérosi." Sambit ni Xena. Sinubukan ni Xena na icancel ang spell na ginamit ng matandang lalaki kay Raze ngunit walang nangyari. "Hija, walang epekto ang kahit anong spell na gamitin mo." Kalmadong sambit ng matanda. Tumawa ang babaeng kasama nito. Fuck. He used a Cipher spell. Nalintikan na kami. Kung kailan huling bayan na namin ito at malapit na kami sa Frencide. Napaismid na lamang si Xena sa sinabi ng lalaking kaharap niya. Lumapit din sa kanya si Tana at mahigpit na kumapit sa damit nito. Tsk. Anong- "I'm sorry but I think you've forgot something." Biglaang sambit ni Lei. Nabigla ako nang magsalita ito bigla. Kahit alam kong kinakabahan siya ay nagawa niya pa ring ngumisi. "se apokaló pnevmatikó fídi gis." Muling sambit ng kababata ko. Nabigla ako sa ginawa niya. Ibang klaseng spell ng pag-summon ang binanggit niya. Unti-unting lumabas ang mga simbolo sa lapag. Ngunit imbis na bilog ay tatsulok ang lumabas dito. Bumungad sa amin ang spirit na tinawag ni Lei. An earth serpent. A Rank SS spell. "I'm a noble as well. The son of the Frencide's ruler to be exact." •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD