25. Against the Disciples

1069 Words
Zairah Hindi ako makapaniwala sa ginawa ng kababata ko. Hindi ko inaasahan na kaya niyang gumamit ng isang Rank SS spell. Buong buhay na magkasama kami ay hindi ko siya nakitang magseryoso man lang. Lumabas ang malaking ahas na sinummon ni Lei. Hindi kaagad nagawang makareact ang mga Disciples sa ginawa nito. "éspase ti gi." Muling sambit ni Lei. Nagsimulang gumalaw at bumiyak ang lupa. Kahit hindi ko pa rin magawang makapaniwala ay hindi ko rin mapigilang mapangisi. Lei is no longer the stupid guy I knew. The kid that always follows me around no matter where I went. Naging busy ako sa pagpapalakas at nakalimutan kong nag-iimprove rin siya. Hindi ko mapigilang maguilty dahil laging nasa tabi ko si Lei kapag meron akong mga bagong bagay na natututunan, sa kabilang banda ay ni hindi ko man lang alam na kaya niyang gumawa ng ganitong spell. Ang serpent na sinummon ni Lei ay pinalibutan ang matandang lalaking Disciple na may numerong lima sa dibdib. Nabigla ako nang nawala ang epekto ng spell nito kay Raze. That earth serpent has the ability to cancel any spells no matter what kind rank is it. Dahil doon ay bumagsak si Raze na agad na tinulungan nina Xena at Tana. "Takbo!" Biglaang sambit ni Lei. Hindi ako nagpaligoy-ligoy pa at sinunod ko ang sinabi nito. Kinuha na namin ang chansang nawala ang atensyon sa amin ng mga Disciples. Nagsimula nakong tumakbo nang matauhan ako. Nung una ay humanga na'ko kay Lei. Pero mabilis ding naglaho yon.  That freaking jerk is running on the opposite direction. Hindi ko alam kung sa sobrang kaba niya ay sa kabilang direksyon siya tumatakbo. Ang ikinabigla ko pa ay tumatakbo siya habang hila-hila si Xena. Habol-habol sila ng Disciple na pang limang pwesto. Sa kabilang banda ay umiiyak din habang tumatakbo sa ibang direksyon si Tana at hila-hila rin nito ang nabiglang si Raze. Sumunod din sa kanila ang lalaking Disciple na pang walong pwesto. Napaismid na lamang ako sa ginawa nila. Hindi ko sila magagawang sundan dahil habol-habol din ako ng babaeng Disciple na nasa pang ikalabindalawang pwesto.  Wala akong choice kung hindi magpatuloy sa pagtakbo. Hindi ko kailangang mag-alala sa kanila.  I witnessed how strong they were. Ngayon nila sa akin ipakita kung hanggang saan ang makakakaya nila. If they really wants to find the Grimoire of Astria, there is no way that they'll lose to a mere Disciple. Nagpatuloy ako sa pagtakbo at pasimple kong sinisilip ang babaeng sumusunod sa akin. Hindi mawala ang ngisi sa labi nito na para bang batang nakahanap ng kalaro. If that's what you really want. Then I'll play with you. Dinala ko siya sa isang patag na parte ng bayan. Walang gaanong bahay sa paligid o kahit anong estraktura. Hindi ko kailangang magpigil dito. "Oh? Napagod ka na bang tumakbo?" Natatawang sambit ng babaeng kaharap ko nang huminto ako sa pagtakbo. Hinabol ko ang mga tingin niya at matalim ko itong tinignan.  "Nah, I'm just done doing my warm up." Balik ko rito. Natawa ang babae sa sinabi ko at tinignan ako mula ulo hanggang paa.  "Isa ka bang noble? Anong klase kayang spell ang maipapakita sa akin ng isang mayamang katulad mo?" Pang-aasar nito sa akin. Napaismid ako sa sinabi niya. Hindi ko pa nagagawang makasagot ay nagsalita ulit siya. "Paniguradong estado mo lang sa buhay ang pinoproblema mo. Paano mo ko magagawang matalo?"  Humigpit ang pagkakasara ng kamao ko sa sinabi niya. Masyado niya kong minamaliit. Pero hindi ko siya masisisi. Lahat ng tingin ng mga tao sa mga nobles ay sarili lamang ang iniisip. Tanging estado lamang ang pinagbabasehan nila. Pero hindi ako kasama sa mga taong ganun. I hate myself for being a noble.  Itinapat ko ang kamay ko sa lupa at binanggit ang mga salita. "Se kaleí dasikí alepoú." Sambit ko. Lumabas ang malaking bilog sa lupa at ang mga simbolo. A white fox with two tails appeared infront of me. A forest fox spirit. Umalingawngaw ang tawa ng babaeng kaharap ko sa ginawa ko. "Ano yan? Sa tingin mo matatalo mo ko diyan?" Natatawang sambit ng Disciple sa akin. "At ang lakas pa talaga ng loob mong ganyang rank ang gamitin ha? Hindi yan tulad ng spell na ginamit ng kasama mo kanina. Walang epekto sa akin yan." Dagdag nito. Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nanatiling nasa spirit ang tingin at atensyon ko. I don't want to use this spell. Pero mukhang wala akong magagawa kundi gamitin ito. Kung gusto ko siyang matalo ay ito lang ang spell na naiisip kong kayang magawa yon. I'm planning to use this to my stupid father first. To show him what I got. But it looks like that won't happen. Tinapunan ko ng tingin ang babaeng kaharap ko at muli kong itinapat ang kamay ko sa lupa. Natigilan to sa pagtawa sa ginawa ko. "Se kaleí fotiá aetós." Muli kong sambit. Lumabas ang bilog sa lupa at ang mga simbolo. Kasunod nito ay ang pagsulpot ng agilang napapalibutan ng apoy. Naging seryoso ang ekspresyon ng babaeng kaharap ko sa ginawa ko. "You're out of your mind. You summoned two different kind of spirits." Hindi makapaniwalang sambit ng babaeng kaharap ko. Kumurba ang labi ko sa sinabi niya. I summoned a fire and wind spirit. Wala akong spell na magagamit sa dalawang yon. "Nasisiraan ka na talaga ng bait. Hindi ba sa inyo tinuro na walang spell ang maaring magamit kapag dalawang magkaibang spirit ang sinummon mo? Wala ka atang alam na spell." Muling sambit ng babaeng kaharap ko. Me? She told me that I don't know how to use a spell? Patawa. Dapat nga ay magpasalamat siya sa akin dahil siya ang unang taong makakasaksi ng spell na'to. Tinanong niya sa akin kanina kung anong klaseng spell ang gagamitin ko panlaban sa kanya. Well, this is it. "You said that there is no spell that can be use if you summon two different spirits." Walang kaemo-emosyong sambit ko. "Then I'll make one."  Huminga ako ng malalim bago banggitin ang mga salita. "fotiá anemostróvilos." Sambit ko. Gamit ang dalawang spirits na sinummon ko, lumabas ang isang buhawi na gawa sa apoy.  Napaawang ang bibig ng babaeng kaharap ko sa ginawa ko at hindi nito magawang makapagsalita. I told myself that I'm going to be a great witch. This is my first step. The first spell that I made. •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD