14.5 Zero

560 Words
Aferis Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Hindi ko magawang makagalaw sa pwesto ko at sunod-sunod ang pagpatak ng mga pawis ko. Nakakunot ang mga noo ng mga taong nakapaligid sa amin ng babaeng kaharap ko. Bakas sa mukha nila na naguguluhan sila sa nangyari. Walang lumabas na kahit anong mahika matapos banggitin ng babaeng kaharap ko ang spell. Ngunit sapat na iyon para malaman kung gano kalayo ang pagitan namin sa lakas. Isa akong witch na binabayaran lamang ng mga nobles para manilbihan sa kanila. Ngunit sa talambuhay ko ay si Aeros pa lang ang alam kong nasa rank na ganon. Midén. Walang kahit sino man ang pwedeng bigkasin ang salitang yon. Pwera ka na lang kung isa ka sa kanila. Isa iyon sa dahilan kung bakit hindi pinapaalam sa mga mababang rank ng witches ang salitang iyon. Ang tanging alam lang nilang pinaka mataas ay ang mga énas o one. Hindi ako makapaniwala na makakaengkwentro ako ng isa ngayon. A-At isang hindi hamak na bata?! "I-Impossible." Natatawang giit ko sa babaeng kaharap ko. Walang bakas ng pagbibiro sa mukha niya at mas lalo pa itong lumapit sa akin.  "Then why won't you pronounce it instead?" Seryosong sambit niya. Hindi ako nakakibo at hindi ko magawang makapagsalita.  "Hoy Aferis! Ano ba ang sinabi niya? Tapusin mo na yan!" Rinig kong sambit ni Richel. Ang babaeng nagbigay sa akin ng trabaho. Natauhan ako sa sinabi nito. Napunta ng tingin ko sa mga taong nakapaligid sa amin. Sa oras na marinig ng ordinaryong witch ang salitang iyon ay matapos lamang ng limang segundo ay hindi na nila ito magagawang matatandaan pa. Hindi na nila ngayon naalala na binanggit ng babaeng kaharap ko ang salitang yon. "Ano na Aferis?! Binabayaran ka namin!" Muling sambit ni Richel. Hindi ko magawang makaimik sa mga sinasabi nito. Doon ko napansin na nanginginig pala ang kamay ko. Hindi ko mapigilang matawa sa sarili ko. Nanginginig ako sa di hamak na mas bata sa akin. "Umalis na kayo. Hindi niyo nakita si Zairah at Lei sa bayan na ito." Walang kaemo-emosyong sambit ng babaeng kaharap ko. Kumunot ang noo ni Richel sa sinabi nito at akmang lalapit sa babaeng kaharap ko nang pigilan ko siya. Nagtaka ito sa inasal ko pero bago pa niyang magawang makapagsalita ay inunahan ko na siya.  "Umalis na tayo. Hayaan niyo muna ung mga bata." Seryosong sambit ko. "Nasisiraan ka na ba! Malaki ang bayad-" "Hindi mo na ko kailangang bayaran. Sa inyo na ang pera niyo. Mas mahalaga para sa akin ang buhay ko." Pagsingit ko kay Richel. Hindi na nito naituloy ang sasabihin niya nang sumingit ako. Hindi siya nakasagot at napaismid na lamang. Iritado itong tumalikod at sinenyasan ang mga kasama niyang nakaunipormeng lalaki na bitawan ang babaeng pinunta namin dito.  "You might me lucky this time Miss. But we'll come for you next time." Seryosong sambit ni Richel bago tuluyang umalis kasama ang mga utusan niya. Bago ako sumunod sa kanila ay muli kong tinapunan ng tingin ang babaeng kaharap ko.  "Who are you?" Marahang tanong ko. Deretso ako nitong tinignan sa mga mata as casual na sinagot. "Just an ordinary witch." Napaismid ako sa sagot nito at tumalikod. As if. Those eyes are not for ordinary witches. She has the same eyes like Aeros. The eyes of a powerful witch. •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD