Xena
Unti-unting napaawang ang bibig ko nang makilala ang babaeng nasangga ko. Hindi lamang ako kundi siya rin.
"X-Xena?!" Hindi makapaniwalang sambit ni Zairah.
Pareho kaming napahakbang paatras nang makilala ang isa't isa.
"Anong ginagawa mo rito?!" Sabay naming tanong ni Zairah.
Kapwa kaming napaismid sa sinabi naming dalawa.
"Papabalikin niyo ba kami sa academy?!" Muli naming sambit pareho.
Natigilan ako sa sinabi niya at pareho kaming natauhan.
"Tumakas din kayo?" Hindi makapaniwalang sambit ko.
"So what? I'm a noble. Kahit anong gawin ko ay pwede." Taas noong sagot ng babaeng kaharap ko.
Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Eh kabadong-kabado nga siya kanina nang makilala niya kami.
"Where are you going Xena?" Marahang tanong ni Lei.
Napunta ang tingin ko rito at hindi ko kaagad nagawang makasagot. "To Frencide."
"Then why are you with him?" Sunod na tanong ni Lei. Tinapunan nito ng masamang tingin si Raze.
Nawala sa isip ko na hindi pala maganda ang samahan nilang nina Raze at Zairah.
"Long story." Sagot ko na lamang.
"Anyways, let's just pretend that we didn't saw each other." Pag-iiba ko.
Walang umangal sa sinabi ko at pare pareho silang sumangayon. Balak na sana naming daanan ang isa't isa nang natigilan bigla si Zairah.
"Nandito ka lang pala Miss. Bumalik na po tayo." Sambit ng isang babaeng nakapusod ang buhok sa likod ni Zairah.
May kasama itong mga nakaunipormeng lalaki at isa pang lalaki na nakasibilyan ang suot.
Parang nakakita ng multo si Zairah nang dahan-dahan itong tumalikod. Tumagal ng ilang segundo bago nito nagawang makapagsalita.
"I-I'm not going back Richel." Pagmamatigas ni Zairah sa babaeng tinawag niyang Richel.
Tila nagbago ang ekspresyon ni Richel sa sinabi ng babaeng kasama ko.
"Hindi namin tinanong ang gusto mo Miss Zairah. Kailangan na nating bumalik." Walang kaemo-emosyong sagot nito.
Nagsimula nang lapitan ng lalaking nakauniporme si Zairah. Ngunit bago pa silang tuluyang makalapit ay mabilis na humarang si Lei.
"Let her be!"
"Mister Leirus, hindi magugustuhan ng mga magulang mo kung hahayaan mong isama ka ni Miss Zairah sa walang kwentang bagay." Walang ganang sambit ni Richel.
Napaismid si Zairah sa sinabi nito.
"áne-"
"Voúlosé to." Pagsingit ng lalaking kasama ni Richel na nakasibilyan.
Hindi na naituloy ni Zairah ang spell na sasabihin niya nang maunahan siya nito. Tila naging zipper ang bibig ni Zairah at hindi niya ito maibukas.
Pare-pareho kaming nabigla sa spell na ginamit ng lalaking kasama ni Richel. That's an Rank SS spell...
"Don't you like it? Isang énas ang kasama ko ngayon. Meet Sir Aferis. Pinasadya ko talagang kunin siya para i-escort ka pabalik ng Bernice, Miss Zairah." Pagpapakilala ni Richel sa lalaking kasama niya.
"elefthérosi." Muling sambit ni Aferis at kusang bumukas ulit ang bibig ni Zairah.
"Ngayong alam mo na ang ipinagkaiba ng kakayahan niyo ay wag ka sanang manlaban pa Miss Zairah. Even though you're a tría, alam nating pareho na wala kang laban sa isang énas." Muling sambit ni Richel.
Tinapunan kami nito ng tingin. Pinagmasdan kami nito mula paa hanggang ulo.
"And I also told you to stay away from commoners. Dumi lang ang mapapala mo sa kanila." Dagdag niya.
Napaismid si Raze sa sinabi nito at akmang lalapit na sa kanila nang agad ko itong pinigilan. Its none of our business. Hindi kami nandito para gumawa ng g**o.
Si Zairah lang ang kailangan niya at hindi kami. Wala kaming dahilan para lumaban.
Nanatili lang akong nanood kina Lei at Zairah. Kahit may pinagsamahan kami papano ni Lei ay wala akong karapatan na makisali sa kani-kaniya nilang buhay. Kailangan ko lang isipin ang dahilan kung bakit ako nandito.
Balak ko na sanang tumalikod upang lumayo nang matigalan ako sa nakita ko. Kahit tumutulo ang mga luha sa mga mata ni Zairah ay hindi nawawala ang dedikasyon nito sa mga mata niya.
"I told you, hindi ako babalik! No one's gonna stop me from chasing my dreams!"
Tila natigilan ako sa sinabi nito. Kasunod ng pagbigkas niya ay ang paghampas ng malakas na hangin. Bumalik sa isipan ko ang mga alaala ko nung bata ako.
I was also a dreamer. Kahit pinagtatawanan nila ako kapag naririnig ang pangarap ko ay may isang taong naniwala sa akin. That's why I'm here right now.
Nagsimula ng dakutin si Zairah ng mga lalaking kasama ni Richel. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at natagpuan ko na lang ang sarili kong lumalapit sa kanila.
Maybe meeting Zairah and Lei here was not a coincidence at all.
Maybe its fate.
Agad na napunta ang tingin ni Richel at Aferis sa akin. Pinagtaasan ako nito ng kanang kilay nang tuluyan nakong nakalapit sa kanila.
"Let them be." Walang kaemo-emosyong sambit ko.
Tinignan ako ni Richel na para bang nandidiri. Hindi man lang ito nag-aksaya ng laway na sagutin ako at tinalikuran lamang ako nito.
Nagsimula na silang maglakad papaalis nang matigilan sila sa sinabi ko.
"Kapag ba natalo ko ang énas na kasama mo gamit ang isang spell ay hahayaan mo sila?"
Nakakunot noong humarap sa akin si Richel at Aferis. Nabigla rin sina Raze at Zairah sa sinabi ko.
Umalingawngaw ang malakas na tawa ni Richel. "Nasisiraan ka na ata ng bait. Isa ngang tría nga ay hindi kayang talunin si Aferis. Ikaw pa kayang éxi lang?" Natatawang sambit niya.
Hindi ko pinakinggan ang sinabi nito at matalim siyang tinignan.
"Kung hindi ka witch ay manahimik ka. Hindi ikaw ang kakalabanin ko."
Bakas ang pagkairita ni Richel sa sinabi ko. Akmang susugurin na sana ako nito nang pigilan siya ni Aferis.
Imbis na si Richel ang lumapit sa akin ay unti-unting naglakad papunta sa akin si Aferis na may ngisi sa labi.
"Bata, ayokong pumapatol sa mga katulad niyo. Trabaho ko lang naman ito. Wag sanang sumama ang loob mo sa akin." Nakangising sambit nito.
"Kaya umalis na lang kayo ng kasama mo at magaral na lang spells ha?" Dagdag niya.
Walang kaemo-emosyon akong tumingin dito. "Takot ka bang matalo ng bata?"
Nawala ang ngisi sa labi ni Aferis at napalitan ito ng pagkairita. "Kaya ayoko sa mga batang katulad mo. Makikitid ang utak."
Pinagmasdan ako nito at muling kumurba ang labi sa isang ngiti.
"Sige, tignan natin kung anong klaseng Rank F spell ang gagamitin mo." Natatawang sambit niya.
Dahan-dahan akong lumapit dito at deretso itong tinignan sa mga mata. Parang bumagal ang oras at tumahimik ang paligid.
"midén."
Hinintay ng mga kasama ko na may mangyari ngunit wala. Walang lumabas na apoy o kahit anong mahika.
Ngunit unti-unting nawala ang ngiti ng lalaking kaharap ko sa sinabi ko.
Hindi isang spell ang binanggit ko.
Bagkus ay isang salita lamang.
Just like what I've said before. Everyone has their own rank. An éxi or six as the lowest and énas or one as the highest or strongest. Mas maliit na numero ay mas maraming kaalaman pag dating sa mahika.
Ngunit meron pang mas nakakataas sa isang énas o one. At mga énas lang din ang nakakaalam nun dahil sa oras na banggitin ng isang indibidual ang salitang iyon ay kusang magiging abo ang katawan nila.
Its a taboo and only those who are in that rank can be able to pronounce it.
We call them midén.
Or zeroes.
•••