Zairah
"Goodnight Miss Zairah." Sambit ni Richel bago lumabas ng dorm ko at isara ang pinto.
Narinig ko ang pagkasara ng pinto. Nanatili akong nahiga sa kama at nakapikit.
Naghintay ako ng sampung minuto bago bumangon ulit. Dahan-dahan akong dumikit sa pader na malapit sa pintuan.
"deíxe mou tin álli plevrá." Mahinang sambit ko.
The wall between my room and the hallway became transparent. Ngunit ako lamang ang nakakakita.
Inilibot ko ang tingin ko sa pasilyo. Wala na ang nakakainis na PA ko na sunod-sunuran ng mga magulang ko.
Mabilis at maingat akong nagpalit ng damit. Sinisigurado kong wala akong ingay na ginagawa. Mas mabuti ng maingat.
Matapos kong nagbihis ay kinuha ko ang backpack ko na naglalaman ng mga kakailanganin ko.
This is it. I'm leaving.
I'm going to follow my dreams even without my parents' consent. I'm going to live the way I wanted.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at muling inilibot ang tingin sa pasilyo. Nang masigurado kong walang tao ay agad akong lumabas.
"káne me ichomónosi." Mahinang sambit ko.
Naramdaman ko ang paggaan ng pakiramdam ng katawan ko. Walang tunog na nailalabas ang mga yapak ko dahil sa spell na ginamit ko.
Right now, I'm completely soundless. Walang makakarinig ng kahit anong tunog na gawin ko.
Its one of the spells that I learned from Aeros. Though, tatlong minuto lang ang tinatagal ng spell na to. Kaya kailangan kong bilisan.
Nagpatuloy ako sa paglalakad sa mahabang pasilyo. Nang kumaliwa ako ay halos atakihin ako sa puso nang may humawak sa braso ko.
Mabilis akong napatingin dito at hinanda ang sarili ko. Kung si Richel ito ay wala akong magagawa kung hindi makipaglaban.
Ngunit imbis mukha ng PA ko ang bumungad sa akin ay ang nakasimangot na mukha ni Lei.
"Wth, Zairah?" Iritadong sambit ng lalaking kaharap ko.
Inalis ko ang pagkakahawak sa akin ni Lei at inis na tumingin dito. "What are you doing Lei?!" Mahinang giit ko.
"No! What are you doing?!" Balik nito sa akin.
Huminga ako ng malalim bago sumagot. "You know what I'm freaking doing. Aalis ako rito."
Napaismid si Lei sa sagot ko at muling hinawakan ang pulso ko. "Stop it Zairah. Pag nalaman ito ng mga magulang mo paniguradong malilintikan ka!"
Tinapik ko ang kamay ni Lei na nakahawak sa akin. I gave him an irritated look.
"That's why I'm freaking leaving Lei! Hindi ko hahayaan na patuloy nilang kokontrolin ang buhay ko!"
Napasinghap ang lalaking kaharap ko at nagbago ang ekspresyon nito. Akala ko ay nagawa niya na akong maintindihan pero hind.
"Then I'm going with you." Seryosong sambit ni Lei.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "No. This is none of your business. Ikaw ang malilintikan kapag sumama ka saking maglayas."
Umiling sa sinabi ko si Lei.
"Oh come on. We've been together since kids. Kasama kita simula nung matuto ka ng una mong spell. Do you really think its still none of my business?" Nakasimangot na sagot niy.
Hindi ko nagawang makasagot sa sinabi niya at napagtantong tama siya. How stupid of me to think that this jerk will leave me alone. Kahit saang lupalop pa ata ako mapunta ay lagi siyang nakasunod sa akin.
Napaismid na lamang ako bago tapunan ng tingin ang lalaking kasama ko.
"Then hurry up and let's go." Sambit ko.
Kumurba ang labi ni Lei sa sinabi ko. Sumabay ito sa akin sa pagtakbo sa pasilyo. Malapit na kami sa hagdanan nang pareho kaming nakarinig ng malakas na pagsabog.
Kapwa kaming napatingin ni Lei sa malalaking bintana ng academy kung saan nakikita ang nasa ibaba ng burol.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita ang pinagmulan nito. Nalulunod sa apoy ang bayan ng Bernice.
Ang unang pumasok sa isip ko ay ang mga wala kong kwentang magulang. Kahit basura ang trato nila sa akin ay hindi ko pa rin maipagkakaila na magulang ko sila at nag-aalala ako sa kanila.
"W-What happened?" Hindi makapaniwalang sambit ni Lei.
Nanatiling nakatingin sa bintana si Lei. Bago ito makapagsalita ulit ay inalis ko na ang tingin ko sa bayan at nagsimula na ulit akong maglakad.
"Zairah?"
Nagsalita ako ng hindi lumilingon. "The moment I followed my dream, Bernice is just an ordinary city to me." Walang ka emo-emosyong sambit ko.
Mariin akong napakagat sa ibabang labi ko. Hindi ko na kailangan pang mag-alala sa mga magulang ko.
Sigurado akong napapalibutan na sila ng mga butlers nila ngayon. At isa pa, my father is an énas. Kayang-kaya na nilang protektahan ang mga sarili nila.
"We should go. Sigurado akong hinahanap na'ko ngayon ni Richel." Muling sambit ko.
Hindi umangal sa sinabi ko si Lei at agad ako nitong sinundan. Dumaan kami sa likod ng academy kung nasaan ang border.
Hindi kami pwedeng gumamit ng portal dahil sa kaguluhan sa capital. Kakailangan naming dumaan sa border at gubat.
Mabilis kaming dumaan ni Lei sa border at tumakbo sa gubat.
"Paano ka nakalabas ng dorm?" Marahang tanong ko sa lalaking kasama ko.
"Binalutan ko lang ng kumot ung unan ko para magmukhang tao."
Napasinghap na lamang ako sa sagot niya. What should I expect.
"Saang bayan tayo pupunta?" Pag-iibang tanong ni Lei.
Natigilan ako at napaisip. Ang unang bayan na pumasok ko ay ang bayang malapit lamang sa border ng Bernice.
"The town of Isadel."
Tumagal ng ilang oras ang pagtakbo namin ni Lei sa gubat. And before I knew it, the sun is already starting to rise.
Nakikita ko na ang liwanag sa dulo ng gubat. Nang makalabas kami rito ay bumungad sa amin ang maliit na bayan ng Isadel. Hindi katulad ng Bernice at ang tatlong cities ay wala itong border.
"Here." Sambit ko. Nag-abot ako ng isang cloak kay Lei. Nagsuot din ako ng isa para sa akin.
"alláxte to chróma." Muling sambit ko.
Unti-unting nagbago ang mga kulay ng mga buhok namin ni Lei.
"Hindi tayo pwedeng makilala kung ayaw natin makakuha ng atensyon." Pagpapaliwanag ko.
Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Lei papunta sa maliit na bayan ng Isadel. Kahit maliit lang to ay masigla na kaagad ito kahit umaga pa lang.
Nanatili kaming naglilibot sa capital ng bayan at sa hindi inaasahan ay may nasangga akong isang babae.
Bago ako makahingi ng tawad ay agad akong natigilan sa pagsalita nang makilala ko ito.
Hindi lamang siya kung hindi pati na rin ang dalawa pang kasama niya.
"X-Xena?!"
•••