12. Company

1207 Words
Xena Hindi kaagad ako nakareact sa sinabi ni Raze. Hindi ko inaasahan na nandito siya. "K-Kailan ka pa nandyan?" Marahang tanong ko. Nag-inat sa harapan ko si Raze at casual na inilagay ang mga kamay niya sa bulsa. "Ako ang unang nagtanong hindi ba?" Nakangising sambit ng lalaking kaharap ko. Mabilis na nagbago ang ekspresyon ko at matalim na tinignan si Raze.  "So what if I am?" Taas noong sagot ko. Nawala ang ngisi ni Raze sa ibabang labi at nagbago rin ang ekspresyon nito. "Why would you want that book?" Iritadong sambit niya. Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. "At bakit ko sasabihin sa'yo?"  Napaismid sa sagot ko si Raze at bakas sa mukha nito ang pagkainis. Bago ito muling magsalita ay inunahan ko ito. "Ikaw ang tatanungin ko. Bakit mo gustong makuha ang Grimoire ni Astria?" Balik na tanong ko. Raze pause for a moment before answering. Kahit mukhang wala itong balak na sagutin ako sa una ay matalim ako nitong tinignan at nagsalita. "I'll find the Grimoire of Astria,"  "And using my own hands. I will f*****g destroy it." Parang bumagal ang takbo ng oras. Kasaby nito ay ang paglakas nang hampas ng hangin. Hindi ko kaagad magawang makasagot sa sinabi nito. Tila pinroseso muna ng utak ko ang narinig ko. "Y-You'll what?" Pag-uulit ko. Muling napaismid si Raze bago sumagot.  "Are you deaf Miss goody two shoes? I said, I will f*****g destroy it!" Iritadong sagot nito. Mabilis kong iniling ang ulo ko. Hindi ako pwedeng basta-bastang maniniwala sa sinasabi niya. "And why would I believe you? Ikaw na mismo ang nagsabi. Gusto mong lumakas." Mariin na sambit ko. Mas lalong bumakas ang pagkairita ni Raze sa sinabi ko. "Bakit ko ba kailangang patunayan sayo?"  Tinapat ni Raze ang kamay niya sa lapag. "kríne me sto dikastírio." Seryosong sambit niya. Lumabas ang malaking bilog sa lapag at ang mga simbolo. Kasabay nito ay ang paglabas ng mga chains at pinalibutan nito si Raze. Napaawang ang bibig ko sa ginawa niya. "W-Where did you learn that spell?" Marahang tanong ko. That was an Rank SS spell. Tanging mga council members at mga piling witches lamang ang nakakaalam ng spell na iyon. It is used to judge criminals. Ang kahit sinong gamitan ng spell na iyon ay dapat purong katotoohanan lamang ang sasabihin. Once they lie, they will die. Kumurba ang labi ni Raze sa naging reaksyon ko.  "Now you'll believe me, right?" Nakangising sambit niya. Dumeretso ng tayo si Raze at seryosong tumingin sa mga mata ko. "I told you. I want to find the Grimoire of Astria and destroy it." Seryosong sambit nito. "W-Why?" Tila nagbago ang eskpresyon ni Raze. For a moment I saw his expression became sad. Pero mabilis din niya itong iniba. "I despise Astria." Walang kaemo-emosyong sagot ng lalaking kaharap ko. Natigilan ako sa sagot nito at hindi ko nagawang makasagot kaagad. "I see." Maikling sagot ko. Tuluyan ng nawala ang mga chains na naapalibot kay Raze at nawala ang bisa ng spell nito. "That's the reason why I want to become stronger." Muling sambit ng lalaking kaharap ko. Tumagal ng ilang segundo ang katahimikan bago ko magawang makapagsalita. "We have the same goal then."  Nabigla sa sinabi ko si Raze at mabilis na napunta sa akin ang tingin at atensyon niya. "That's the only thing I could tell you though." Muling sambit ko. Napunta ang tingin ko kay Raze na mukhang bumalik na ang ekspesyon sa dati. Unti-unting kumurba ang labi nito sa isang ngisi. "So I guess we're still good huh?" Nakangising sambit ni Raze sa akin. Napasinghap ako sa sinabi nito at hindi ko siya pinansin. Nagsimula na ulit akong maglakad sa pasilyo at agad din akong sinundan ni Raze. "So where are you going huh?" Pag-iiba niya. "I told you didn't I? We have the same goal. I'll find the Grimoire of Astria and destroy it."  Casual na lumapit sa akin si Raze at iniligay ang mga kamay niya sa batok niya. "Oh, then I'm coming with you." Nakangiting sambit nito. Hindi kaagad naproseso ng utak ko ang narinig ko. Nang mapagtanto ko ang sinabi niya ay agad akong tumigil sa paglalakad. "Excuse me?"  Huminto rin sa paglalakad si Raze at humarap sa akin. "What?" Pagmamaang-maangan nito. Napaismid ako at deretso itong tinignan. "Hindi ako nakikipagbiruan. Seryoso itong pinapasok ko. Malaking bagay sa akin ang pagsira sa Grimoire na yon. Hindi katulad mo na gusto lang iyon dahil galit ka sa may gawa." Seryoso kong sambit. Tila nagbago ang ekspresyon ni Raze sa sinabi ko. Hindi ko alam pero biglang bumigat ang tensyon sa pagitan namin. "Hindi rin ako nakikipagbiruan Xena. Hindi lang iyon ang dahilan kung bakit ko gustong sirain ang Grimoire ni Astria." Walang kaemo-emosyong sambit ng lalaking kaharap ko. Mabilis akong natauhan sa sinabi ko at umiwas ng tingin. Pasimple akong napahawak nang mariin sa pambaba ko. "I'm sorry. That was an insensitive thing to say." Pagpapumanhin ko. "Its okay. Maybe I was also being rude." Sagot ni Raze. Tanging pagsinghap na lamang ang nagawa ko bago ako tumingin muli kay Raze. "Hindi kita pipigilan. You can be my company."  "Though, ayoko ng pabigat."  Kumurba ang labi ni Raze sa narinig. "Sinabi ko na sayo hindi ba? Ayoko sa mahihina." Nakangising sagot nito. Pareho kaming lumabas ni Raze sa academy. Dumaan kami sa likod kung nasaan ang mataas na bakod. Naunang tumalon sa itaas si Raze. Nang ako na ang susunod ay natigilan ako nang makarinig ng tawag sa akin. "X-Xena!" Rinig kong sambit ng isang pamilyar na boses. Napalingon ako sa babaeng tumawag sa akin at sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha ni Tana. Tumatakbo ito papalapit sa akin at hindi nagtagal ay nakarating ito sa harapan ko. "A-Aalis ka?" Halos paiyak na sambit ni Tana. Umiwas ako ng tingin dito bago sumagot. "Kailangan. Alam mo naman kung bakit hindi ba?"  Tuluyan ng nagsituluan ang mga luha ni Tana. Kasama pa ang nga uhog nito.  "D-Don't leave me here! Take me with you!" Giit nito. Napasinghap ako bago siya tapunan ng tingin. "Akala ko ba gusto mo maging isang magaling na witch? Hindi mo-" "But I can't do that without you!" Pagsingit ni Tana. Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang sumingit ito. Natigilan ako sa sinabi niya.  "You're the first person who believed in me Xena! Without you, wala ako rito ngayon!" Dagdag nito. I was stunned. Hindi ko magawang makasagot sa mga sinabi ni Tana. "Isama moko sa inyo. Kung totoo nga ang sinasabi mo tungkol sa council, gusto kong makita mismo iyon ng nga mata ko." Muling sambit ni Tana. Patuloy ito sa pag-iyak at pagpunas ng mga luha niya. "What a crybaby." Sambit ko. Napasinghap na lamang ako bago senyasan si Tana. "Hurry up. We're going to Frencide." Nakangising sambit ko. Unti-unting lumiwanag ang ekspresyon ni Tana at niyakap ako ng mahigpit.  Nagawa naming makalagpas sa border nina Raze at Tana. Hindi naming magagamit ang portal sa capital ng Bernice dahil sa kaguluhan. Kailangan naming dumaan sa border at gubat. Sa susunod na bayan pa kami makakagamit ng portal. "Ano ang pinakamalapit na bayan sa Bernice?" Marahang tanong ko kay Raze. Ilang segundo itong nagisip at sumagot. "The town of Isadel." •••
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD