Nakahawak siya sa braso ni Angkol Hades habang naglalakad sila papasok sa loob ng hotel. Nang pumasok pa lamang sila sa loob ay marami nang nakapakong mga mata sa kanilang dalawa ni angkol Hades. Ewan niya kung ano ang nararamdaman niya sa sandaling iyon. Mahihiya ba siya or matatakot. Bigla na lamang siyang nagsisi kung bakit siya sumama pa kay Angkol Hades ngayong gabi. "Relax okay? I can smell your fear!" sambit ni Uncle Hades habang naglalakad pa sila papasok sa loob ng hotel. Napailing na lamang siya sa biro nito. Hindi naman siya nito masisisi eh dahil talagang hindi naman talaga siya sanay sa ganito. Umupo sila ni Hades sa harapan. Sa pinakamalapit lamang sa Stage. Hinanap niya si Uncel Jade ngunit wala pa ito Kanina,nauna na itong umalis kaysa sa kanila ni Hades dahil ginagaw

