Wala siyang nagawa kundi pumasok na lamang ulit sa loob ng venue. Kahit na ayaw na sana niya eh pilit niyang pinapalakas ang kan'yang loob para pigilan ang sarili niya na huwag masaktan. Sa ngayon kailangan niyang magmukhang matapang kahit na nasasaktan ang kan'yang puso. "Sof, I know its hard but thats the thing that you need to accept!"ani Hades na nakasunod lamang pala sa likuran niya. " Alam ko po at susubukan kong tanggapin. Wala naman siguro akong magagawa 'di ba? Una, hindi ko naman alam kung mahal niya ako. Malay mo baka ang mga sinasabi niya sa' kin ay puro kasinungalingan lang."mapait niyang sambit kay Angkol Hades. Totoo naman, siya lang naman kasi ang umasa pa eh. Noong una pa nga lang, sinabi na niya sa sarili niya na hindi niya dapat seryosohin si Uncle.She fell harder on

