"Saan ba tayo pupunta Uncle?Ba't ako lang ang isasama mo? Paano si Azie?" tanong niya kay Uncle pagkatapos siya nitong sabihan na may lalakarin silang dalawa. " Sumama ka na lang okay? Hindi naman kita ipapahamak Sofi, just trust me. Hindi naman tayo magtatagal promise. " wika nito sa kan'ya. Tumango siya rito at sumenyas kay Uncle na maghintay na muna ito dahil maliligo na muna siya. Hindi niya alam kung ano ang susuotin niya kaya isang plain white dress na maikli lamang ang napili niya. Nilugay lamang niya ang kan'yang mahabang buhok at naglagay ng kaunting. Nang bumaba siya ay naghihintay na si Uncle Jade sa kan'ya sa sofa. Nakaupo ito at tumigil sa pag browse sa cp nito nang dumating siya. Nasa tabi rin nito si Angkol Hades na katulad ni Uncle Jade ay nakatitig rin sa kan'ya. "Ta

