Natutulog na si Azie nang dumating sila sa mansion. Kasama nito si Angkol Hades sa kama na napakalakas humilik sa sandaling 'yon at nakabukaka pa ang magkabilang hita. Nagkatinginan sila ni Jade nang makita ang itsura ng dalawa. "Sa kabilang kwarto na tayo baby? Hindi na magigising ang unggoy na' yan!" sambit ni Uncle sa kan'ya. Hinila nito ang kamay niya patungo sa kabilang kwarto, sa kwarto mismo ni Uncle Jade. "Mas maaliwalas rito sa kabilang kwarto. Ang laki ng kama, tamang tama talaga kahit na mag jogging pa tayo mamaya baby noh?" dagdag pa nito. Kinurot naman niya kaagad ito sa tagiliran. "Uncle, este Jade naman,may ibang plano ka na naman po!" saway niya rito. Ngunit bigla siya nitong hinatak at niyakap ng mahigpit. "You know I miss you every seconds, every minute eventhough

