Fiesta sa probinsya nila kaya tatlong araw pa lamang bago sumapit ang okasyon ay muli na naman silang lumiwas patungo sa probinsya. Si Uncle Jade ang nagmamaneho at sila naman ni Azie ay nakaupo sa likod. Si Hades ang nasa tabi ng drivers seat. Nagprisinta itong sumama sa probinsya dahil ni isang beses raw ay hindi pa ito nakapamista. Ni hindi nga raw alam ni Hades na may nagdidiwang pa ng pista sa panahong ito. Sanay ito sa ibang bansa kaya siguro, curious ito. Ang sabi niya rito ay puro mga pagkain lamang naman ang inihahanda tuwing pista sa probinsya atsaka, libre lamang iyon. Minsan sa isang taon ay nagpapakainnng libre ang mga deboto ng simbahan. Kaninang umaga ay ambait ni angkol Hades. Gusto lang naman pala nitong sumama sa lakad nila. Medyo nakakahiya nga dahil hindi naman mansion

