"Tara na?" tanong niya kay Jade pagkatapos nilang mag-ayos para sa pupuntahan na singing contest. Si Azie ay nasa kwarto ng lolo't lola nito. Sanay itong matulog na kasama ang dalawang matanda kaya sila ni Unclre Jade ay magkasama sa dating kwarto niya. Si Hades naman ay sa isang mahabang sofa na lamang raw ito matutulog sa may sala.Kanina, sinabawang native na manok ang niluto ng mamang niya. Ganado silang kumain lalo na ang dalawang magkapatid na siyang umubos sa ulam at sa kanin nila. Tuwang tuwa nga kanina ang mga magulang niya dahil kahit na simpleng ulam lamang raw ay nagustuhan talaga ng mga bisita ng mga ito.. "I'm ready. Teka, Hades... Sasama ka ba o hinde?" tawag nito sa kapatid na nasa loob pa ng kwarto nila at nagbibihis. "Teka lang, apurado naman neto oh! Its okay kung male

