Chapter 89-Gone

1311 Words

Kinaumagahan , wala sina Uncle Jade at Hades nang magising siya. Tinanong niya ang kan'yang mamang kung saaan nagpunta ang dalawa, ibinilin raw umano ni Jade na may importanteng meeting sa company kaya kailangang lumuwas kaagad sa Manila . Ewan niya ngunit tila nanghina siya, hindi man lamang siya ginising ni Uncle Jade upang sabihin man lamang na aalis na ito. Ang sarap magtampo! Pero naiintindihan naman niya ito, alam niyang napakaimportante kung bakit lumuwas kaagad ang dalawa. Nang magising si Azie ay pinakain at pinaliguan na muna niya ang anak. Hinahanap nito ang daddy nito dahil sanay na itong halikan at yakapin ang ama sa tuwing magigising. Pagkatapos niyang bihisan si Azie ay siya naman ang naligo . Naglalaro sila ni Azie ng game sa cellphone nang tawagan siya ng kan'yang mamang.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD