"J-Jade?" Tawag niya sa lalakeng kanina pa niya sinusundan . Nang makita niya ito palabas ng bahay ay mabilis siyang sumunod sa likuran nito. Maaga siyang nagising ,sa totoo nga lang ay hindi yata siya nakatulog ng maayos sa kakaisip.Hindi siya dapat na kumilos nang di nag-iisip ng maayos.Hindi niya kilala ang babae ni Jade.How come asawa ang turingan ng dalawa? Kung Ano man ang palabas ng Gretchen na 'yon ay sigurado siyang may tinatago itong sikreto. Huminto naman ito sa paglalakad nang marinig ang boses niya. "Miss?" kunot ang noong tanong nito. Mas lumapit pa siya rito.Seryoso siya nitong tinititigan na tila ba punong puno ng pagtataka ang mukha nito. "H-Hindi mo ba ako nakikilala?Jade,ako ito si Sofia,ako ang asawa mo." "Miss,kung nagbibiro ka hindi nakakatawa.M-May asawa na a

