"Daddy?" sigaw ni Azie nang makita nito ang ama na papasok sa loob ng bahay na kasama siya. Tumakbo ang bata palapit sa kanila at mahigpit na niyakap ang malalaking binti ni Jade. Nagpipigil siyang umiyak pero para sa kanilang pamilya ay mananatili siyang matatag. " A-Anak?" sambit ni Jade sa bata . Lumuhod ito sa paanan ni Azie at hinawakan ang magkabilang balikat ng bata habang sinasambit ang katagang 'yon. " A-Azie?" Kagabi ay marami siyang naikwanto kay Jade. Tungkol sa pamilya nila , sa katunayana ay pinakita niya ang mga larawan nilang tatlo. Ang tanging problema ay hindi nito maalala ang lahat kahit na may pruweba na siya . Batid niyang alam nio na nagsasabi siya ng katotohanan pero ang kalaban nito ay ang sariling isip dahil sa nawala nitong ala-ala. His mind believes that hi

