" He is experiencing selective amnesia right now. At siya lamang ang makakatulong sa sarili niya if he wants to be back to his old self. Mr. Santiago, huwag n'yo pong kalimutang inumin ang mga gamot niyo po ah?" advice ng doktor sa kanilang dalawa ni Jade. Pangatlong araw na nila ito sa hospital at may resulta na nga ang assessments na ginawa ng hospital kay Jade. Hinawakan niya ang kamay ng kanyang asawa at ngumito rito. " You'll be fine, Jade." Tumango naman sa kanya si Jade. Alam niyang naguguluhan ito pero alam rin niyang may bahagi ng isip nito ang nakakaalala kahit na tila madilim pa ang bahaging iyon . Sina Gretchen at anak nito ay iniwan nila sa mansion. Lihim na rin siyang nagpa DNA test sa bata at tatlong uwan pa raw makukuha ang resulta kahit na rush ang pinagawa niya. Ang

