" Good morning, " bati niya kay Jade. Nasa kitchen siya ngayon at nagluluto para sa agahan nila. " Good morning ,too." bati rin nito. Kasama nito ni Azie na kagigising lamang." Mag-almusal na tayo, nag prito ako ng paborito mong isda with gulay at kamatis." saad niya sa asawa. Gulay naman talaga ang paborito nitong ulam at pati na rin prutas. " Salamat, " tipid na sambit ni Jade. " Uminom ka na rin ng medicine pagkatapos kumain." dagdag pa niya. Hindi naman nagtagal ay bumaba na sina Gretchen at si Fern. Tumayo naman si Jade at nilapitan ang bata at pinaupo iyon sa kandungan nito. Bumati naman sa kanya si Gretchen pero tango na lamang ang isinagot niya rito. Tumingin siya kay Jade habang sumusubo ito kay Fern. " Pa-pa...yum yum..Pa-pa." Halos madurog ang puso niya sa nasasaksihan ni

