Maaga pa ay umalis na si Jade patungo sa company nito. Hindi na muna siya sumama dahil alam naman niyang kaya na nito. Kahapon nga eh parang napakadali lamang kay Jade ang gawin ang lahat ng papeles and even in decision making talagang parang sanay na ito. hanag nakikita niya ang mukha ni Jade kahapon ay para itong walang sakit. Parang hindi ito nakalimot, she feels like looking at the same old Jade without selective amnesia. Late na rin siyang nakabangon dahil sa pagod niya kahapon. Nang bumaba siya ay nakita niyang kumakain na si Gretchen at ang anak nito. " Sof , nauna na pala kaming kumain ni Fern. Pasensya ka na kung ginalaw ko ang mga stocks mo sa ref.Halika na, kumain na tayo."sambit agad ni Gretchen nang makita siya. " Thanks, mamaya na ako kakain kapag gising na ang anak ko.

