Abala si Jade sa mga bisita na panay bati rito at pangungumusta. She just sits from afar staring at him . She smiled, pakiramdam niya ay bumalik na ang asawa niya hindi lamang sa buhay niya kundi sa buhay ng mga taong nakapalibot rito at sa mga taong umaasa sa liderato nito. Jade is a silver lion in the business industry, alam niyang unti unti ay muling aangat ang kumpanya nito. " Masaya ka na ba?" bumaling siya kay Hades na kakaupo lamang sa tabi niya. Naramdaman niya ang kamay nito na nakahawak sa palad niya. " Sobra." tanging sambit niya. " Paano mo nakakayanan Sof ,kahit na alam mong hindi ka na niya maalala? Kahit alam mo na m-may i-iba siya.." " Alam mo kapag mahal mo ang isang tao handa kang magtiis. Kahit na nasasaktan ka na, pipiliin mo pa ring ipaglaban ang taong 'yun."

