Amoy ng nilulutong ulam ang gumising sa kan'ya kinabukasan. Pagkatapos maghilamos ay naglakad siya patungo sa kusina at nakita ang nakatalikod na si Uncle Jade na tila enjoy na enjoy ito sa anumang niluluto nito. Ang tanong, marunong ba itng magluto? Lumapit siya rito at nakita ang butil butil na pawis aa noo nito habang hinahalukay ang nilulutong putahe nito. "U-Uncle? Ang aga mo pong gising ah?" tanong niya rito. "Of course para ipagluto ka ng masarap na almusal. Is it okay with you Sofi?" balik nitong tanong. Umupo siya sa mesa at hindi na sinagot pa ang tanong nito.Syempre, okay lang naman sa kan'ya.Eh ito na ang nagprisintang magluto eh, mag-iinarte pa ba siya? Pork adobo pala ang niluluto ni Uncle. " Nagsaing na rin ako at kung gusto mo ng kape, may mainit na tubig na." wika pa

