Nakasunod si Uncle Jade sa likod niya habang naglalakad sila patungo sa palengke. "Uncle, pwede naman pong maghintay na lang po kayo sa apartment. Masyadong mainit!" aniya kay Uncle Jade. Kitang kita kasi niya ang butil butil nitong pawis sa noo habang naglalakad. Alas tres pa lang ng hapon at medyo mainit pa sa labas kaya siguro masyadong naiinitan si Uncle Jade. " I told you, its okay. I also want to learn your ways here.So,ito ang routine mo dito this past years baby?" wika nito. Tumango naman siya rito. Hinayaan na lamang niyang tawagin siya nito katulad ng katagang tawag nito sa kankya noon pa man. Sinalubong sila ng ingay at iba't ibang amoy sa palengke. Akala niya ay tagabuhat lamang niya si Uncle pero ito na ang nagbayad sa lahat ng mga kailangan niya. Maraming gulay at prutas

