Nang dumating siya sa mansion ay nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa kanya. Ang katahimikan ng mansion ay parang kay lungkot katulad ng puso niyang unti -unting namamatay araw araw dahil sa nangyari pero ganun pa man ay hindi pa rin niya napapabayaan ang kan'yang pag-aaral. "Sof, kanina ka pa nila hinihintay!" sambit ni Lola Mayordoma sa kan'ya nang makita siya nito. Inilapag na muna niya ang kan'yang bag sa mesa at lumapit kay Lola. "Sino po?" tanong niya. May bisita siya? Wala naman siyang kaalam alam na may naghihintay pala sa kan'ya. Nagtataka man ay sinundan niya si Lola patungo sa library. Itinuro lamang siya ni Lola patungo sa loob kung saan may mga tao ang nag-uumpukan. Nakita niya si Uncle Jade na seryosong nakaupo sa mesa nito at may dalawang pamilyar na tao ang n

