Tahimik lamang siyang nakaupo sa loob ng conference room habang isinusulat ang mga importanteng detalye sa meeting na 'yon ng kan' yang boss na si Mr. Raven Delgado isa sa pinakatanyag na architect sa Visayas. Fresh graduate pa lamang siya sa isang unibersidad na pinasukan niya rito kaya naghanap agad siya ng trabaho dahil naiinip na rin naman siya kapag tambay lang sa apartment na tinitirhan niya. Wala siyang namiss na impormasyon, bilang secretary ni Raven Delgado ay kailangan talaga niyang maging alisto. Binata pa si Raven pero napakabango ng pangalan nito bilang isang architect lalo na ng mga bagong designs na mga condominiums at town houses.Strikto ito ngunit mabait naman, wala siyang masabi sa boss niya lalo na't kaibigan ito ng bayaw niya na asawa ni Ate Sahara niya. Ito rin ang tum

