"Jade, narinig namin ang sinabi mo kanina na sa Manila mo pakakasalan si Sofi. May pakiusap sana kami sa'yo, pwede bang dito na lang sa probinsya? Sa simbahan kung saan siya bnabinyagan?" sambit ng mamang niya kinagabihan. Nakaupo silang apat sa dining table. Katatapos lamang nilang ayusin ang mga ginamit kanina sa pista. Inaasahan na niya na hihilingin iyon ng mga magulang kay Uncle Jade, kasi ganyan din dati ang Ate Sahara niya. " S-sige po walang problema sa'kin. Pero pwede po bang sa susunod na buwan na?" sambit ni Uncle. "Baka kasi magbago pa ang isip ni Sofi!" anito. Napailing siya, hindi niya alam kung totoo o biro lamang ba ang sinabi ni Uncle pero seryoso itong kausap ng mga magulang niya. "Walang problema sa amin kung nagmamadali man kayo, basta' t dito kayo magpapakasal. Alam

