Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang naglalakad siya sa malawak na pasilyo ng simbahan na nappalibutan ng puting mga rosas. Nakangiti siya habang mahinang naglalakad at ang mga mata niya ay nakapukol sa taong patutunguhan ng mga hakbang niya. Nandoon si Uncle Jade, nakatayo at nakaabang sa kan'ya habang unti-unti siyang papalapit rito. Napakagwapo at napakakisig nito sa suot na itim na tuxedo, nakatabi rito si Hades na malapad pa ang ngiti kaysa sa groom. Akala niya ay hindi siya kakabahan ngunit ang lakas pa rin ng t***k ng puso niya sa sandaling 'yon.Iba pala ang pakiramdam sa araw mismo ng pag-iisang dibdib ng isang tao. Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman. Pero ang mas umaapaw ay ang pagmamahal niya para kay Jade, ang magiging asawa niya na sa simula' t sapul ay m

