"Baby, wait!" sigaw sa kan'ya ni Uncle Jade habang hinahabol siya nito sa dalampasigan. Nakaswimming trunks lamang ito at siya naman ay nakasuot ng red two piece. Malakas ang halakhak niya dahil hindi talaga siya maabutan ni Uncle Jade, runner kaya siya noong elementary grades niya. Umupo siya sa buhangin nang makitang tumigil na ito sa kakatakbo at hinihingal pa. "S-Sofi... S-Sof...." Nataranta siya nang maktia siya Uncle Jade na itinaas ang kamay patungo sa direksyon niya't tila nahihirapan ito sa paghinga.Ang isang kamay nito ay nakahawak sa bandang dibdib nito habang unti unting napapaluhod sa buhangin. "J-Jade? Jade, ano'ng nangyayari sa'yo? Jade!" sigaw niya habang patakbong bumalik sa kinaroroonan ni Uncle. Tuluyan na itong nahiga sa buhanginan. Lumuhod siya at tinapik ang pis

